Maine Mendoza, naiyak sa ‘Hello, Love, Goodbye’

Nanatili ang suporta ni Maine Mendoza para sa malapit na kaibigan na si Alden Richards.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/9/2019 12:27 PM
Maine Mendoza, naiyak sa ‘Hello, Love, Goodbye’


Kasunod ng tagumpay ng Hello, Love, Goodbye, tanging papuri ang ipinaabot ni Maine Mendoza para sa kaibigan na si Alden Richards at sa kapareha nito sa pelikula na si Kathryn Bernardo.

Sa panayam kay Maine sa naganap na story conference ng 2019 Metro Manila Film Festival movie entry na Mission Unstapabol: The Don Identity, masayang binati ni Maine si Alden at Kathryn sa tagumpay ng kanilang pelikula.

“Yes, congratulations kay Kathryn tsaka Alden, maganda! Maganda ‘yung pelikula, mahusay sila,” ani Maine sa panayam.

Ayon pa kay Maine maka-ilang beses din niya inulit ang pelikula “Maganda, dalawang beses ko pa nga pinanuod,” sabi pa niya.

READ: Alden Richards at Maine Mendoza, suportado ang sa isa’t-isa

Pag-amin pa ni Maine, napahanga siya sa naging performance ni Alden sa Hello, Love, Goodbye.

“Teary-eyed, pero proud ako sa kanila. Feeling ko ako 'yung nagluwal sa kanila, feeling ko ina nila ako na habang nanunuod. Ang galing,” pahayag pa ni Maine.

Sa kasalukuyan, tumabo na sa mahigit kumulang na 320 milyon piso na ang kinita ng Hello, Love, Goodbye at inaasahan pa paglago sa mga susunod na araw.