• Home
  • Fresh Scoops
  • Jin Ho Bae, ikinuwento kung paano siya tinulungan ni Ryan Bang pumasok ng showbiz

Jin Ho Bae, ikinuwento kung paano siya tinulungan ni Ryan Bang pumasok ng showbiz

Para sa Korean artist na si Jin Ho Bae, isa si Ryan Bang sa mga naging inspirasyon niya sa pagpasok sa showbiz.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/9/2019 6:46 PM
Jin Ho Bae, ikinuwento kung paano siya tinulungan ni Ryan Bang pumasok ng showbiz


Ikinuwento ng Korean singer at vlogger na si Jin Ho Bae kung paano siya tinulungan ni Ryan Bang na pumasok sa industriya sa episode ng Magandang Buhay nitong Miyerkules. Ayon kay Jin Ho, una niyang minessage si Ryan para imbitahin sa isang vlog collaboration, na agad namang tinanggap ng It's Showtime host.

I wanted to do a collaboration with him (Ryan Bang), he's one of the biggest celebrities in the Philippines right now. Sabi niya, ‘Hey I like your energy, you are like me... Yung love mo sa Philippines, I can feel it, it’s real, unlike other Koreans na who just want to become a celebrity here and popular. Okay sige tulungan kita’,” kwento ni Jin Ho na ginaya pa ang tono ng pananalita ni Ryan.

Unang lumabas sa segment na KapareWho ng It's Showtime si Jin Ho Bae bilang contestant noong July 19. Naging guest host na rin si Jin Ho Bae ng noontime show dahil naging number one trending topic sa Twitter ang unang apperance niya.

Panoorin ang trending episode dito:

Sa parehong interview din ng mga momshie hosts, ikinuwento ni Jin Ho kung bakit mas pinili niyang simulan ang career sa Pilipinas kaysa sa Korea.

After I graduated, K-pop Idol po yung main goal ko. So bumalik ako ng Korea, sabi ko sa mom ko, ‘Mom, magdo-doctorate po ako,’ pero sa totoo lang bumalik ako ng Korea para mag-audition sa mga labels doon. [Kasi] knowing my parents hindi ako papayagan.”

When my parents found out, sinabi ko po talaga sa kanila na 'Mom I want to try before it’s too late.’ Tapos ayun po, pumayag po sila and then I did part time jobs, I started covering Tagalog songs. Tapos nag-viral po siya sa Philippines, e nasa Korea ako [noon],” kuwento niya.

“Napaisip po ako, ‘Oo nga no, why am I limitting myself in Korea, when in fact I grew up in the Philippines, I speak Tagalog, all my friends are Filipinos, I love OPM,” dagdag ni Jin Ho.