• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Hashtags’ Rayt Carreon, focus muna sa career bago ang love life

EXCLUSIVE: Hashtags’ Rayt Carreon, focus muna sa career bago ang love life

First time na bibida ang Hashtags member na si Rayt Carreon sa Maalaala Mo Kaya.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/9/2019 7:02 PM
EXCLUSIVE: Hashtags’ Rayt Carreon, focus muna sa career bago ang love life


Magkahalong excitement at kaba ang naramdaman ng Hashtags member na si Rayt Carreon para sa kaniyang kauna-unahang pagganap sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado. Gaganap bilang pulis at kasama si Xian Lim, masaya si Rayt sa paksa ng kanilang MMK episode.

“Okay din siya kasi mas naliliwanagan t’saka na-aalert [tayo] kung ano yung mga nangyayari sa bansa natin,” paliwanag ni Rayt sa interview ng PUSH.

MMK Save The Children ang pamagat ng kanilang episode, kung saan ay tatalakayin dito ang pagtrato ng mga pulis at ng batas sa mga menor de edad na sangkot sa krimen.

 

 

Samantala, isa rin sa ipinagmamalaki ngayon ni Rayt ay ang pagkuha ng kaniyang bagong single na 'Ano Bang Meron?' bilang theme song ng tambalang Kiara at Gino ng Pinoy Big Brother OTSO.

“Nung first time kong narinig yun, nagulat ako kasi di ko akalain na gagamitin nila yun sa PBB. Yon naging theme song nga siya ng KiaNo, Kiara at Gino. Sobrang saya ko kahit papano marami ang nakarinig, at nalaman nila yung song na ‘Ano Bang Meron?,’” sabi ni Rayt.

Nang tanungin naman ang Hashtags member tungkol sa kaniyang love life, “Ako kasi ngayon, wala akong special someone. Career muna talaga ako. Matulungan muna yung family ko, bago ako maghanap ng special someone,” sagot niya. 

“Ngayon yung dalawang kapatid ko, nag-aaral silang dalawa. Kailangan din nila ng financial support,” kuwento ni Rayt na panganay sa kanilang magkakapatid.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sumuko kana!... kung ayaw mo.... edi wag!

A post shared by Rayt Carreon (@hashtag_rayt) on

 

Mapapanood ngayong Sabado ang Maalaala Mo Kaya episode ni Rayt.