• Home
  • Fresh Scoops
  • Pelikulang ‘Mina-Anud’ ni Dennis Trillo, matapang ang temang tinatalakay

Pelikulang ‘Mina-Anud’ ni Dennis Trillo, matapang ang temang tinatalakay

Natanong din si Dennis Trillo kung ano ang opinion niya sa ‘ghosting.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/8/2019 11:44 AM
Pelikulang ‘Mina-Anud’ ni Dennis Trillo, matapang ang temang tinatalakay


Para kay Dennis Trillo, gusto niya ang tema ng pelikulang Mina-Anud na tumatalakay sa droga kaya tinanggap niya agad ito nang mabasa niya ang script.

“Isa ito sa matagal ko nang inaantay na kwento,” reaksyon ng aktor sa ginanap na mediacon ng Mina-Anud.

“Kasi, unang-una, matapang siya, pero kahit sobrang bigat ng tema niya, ang light ng pag-atake ng direktor na ginawa niya sa pelikula. Sabi ko, hindi ko pwedeng palampasin itong project na ito,” dagdag ng aktor.

Ang Mina-Anud ay base sa real-life events that took place in 2009, kung saan, tatlong tonelada ng high-grade cocaine ang inanod sa tabing-dagat sa Eastern Samar.

Sa pelikula ay ginagampanan ni Dennis ang papel ng isang local surfer who is lured into selling the cocaine bricks after his best friend Carlo (played by Jerald Napoles) discovers the price people are willing to pay for the illicit substance.

Kahit na tungkol sa ilegal na droga ang Mina-Anud ay meron naman daw aral na mapupulot ang manonood sa pelikula nila.

“Hindi naman ako na-bother na inatake rito ‘yung ilagay na droga, mas binigyan ko ng importansiya ‘yung aral na matutunan pagkatapos mapanood ‘yung pelikula kasi sa pag-highlight nun’g masamang element na ‘yun sa pelikula.

“Natuwa ako na kahit ganu’n kabigat ‘yung tema niya, may magandang aral kang mapupulot sa bandang huli,” paliwanag pa niya.

Hindi naman nakaligtas sin Dennis at ang co-actor niya sa Mina-Anud na tanungin about ghosting na popular term ngayon sa showbiz dahil sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Hindi pala alam ni Dennis kung ano ang kahulugan ng ghosting. Kinailangan pang ipinaliwanag ito sa kanya ni Jerald. And after niyang maintindihan, inamin ng aktor na hindi pa raw niya ito ginawa at hindi pa rin daw nangyari sa kanya.

Si Jerald naman ay nag-explain kaagad na hindi pa raw niya na-ghosting ang girlfriend na si Kim Molina.

Paliwanag niya, “Hindi po. Apparently, may ebidensiya naman po na hindi ko siya na-ghosting. Pero siguro po, nagawa ko ‘yun dati, nun’g kapusukan ng mga kabataan. Hindi ri natin masasabi. Hindi rin naman po ako nagmamalinis, wala naman po sa hitsura ko.”

Samantala, ang Mina-Anud ay nanalong Basecamp Colour Prize for being one of the two projects pitched at Singapore’s Southeast Asia Film Financing Forum in 2017.

The movie was also selected as the official Closing Film sa prestigious Cinemalaya 2019 Film Festival on August 10 at magkakaroon ng nationwide release sa mga sinehan on August 21.

Mina-Anud is produced by Regal Entertainment, Hooq and Epicmedia. The film is directed by Kerwin Go.