• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, napag-uusapan na ba ang kasal?

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, napag-uusapan na ba ang kasal?

Sinagot ni Matteo Guidicelli ang tanong kung napag-uusapan na ba nila ni Sarah Geronimo ang pagpapakasal.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/8/2019 11:58 AM
Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, napag-uusapan na ba ang kasal?


Matapos ang kaniyang campaign para sa Watson's Protect Yourself project, nitong Martes, August 6, humarap si Matteo Guidicelli sa press at sinagot ang tanong kung napag-uusapan na ba nila ng nobyang si Sarah Geronimo, ang kasal.

"Siyempre minsan pinag-uusapan namin, pero sana in the right time. Yun yung mga pangarap namin eh," sagot ng aktor. 

READ: Matteo Guidicelli declares Sarah Geronimo as the most beautiful woman in his life

Nitong nakaraang linggo ay maraming kinilig sa iniwang birthday message ni Matteo para kay Sarah, kung saan ay tinawag niya itong, "most beautiful woman" sa kaniyang buhay.

Ayon kay Matteo, simpleng outing lang ang naging selebrasyon nila ni Sarah sa nakalipas na kaarawan nito. 

Samantala, sa parehong interview din ay inanunsyo ni Matteo na may dalawa siyang pelikulang gagawin ngayong taon. "We've been discussing two films before the year ends. So we'll start to shoot I think in a month or so. As of now, nag-eensayo pa kami for the film," kuwento ni Matteo. 

Hindi man kinumpirma kung opisyal na ang kaniyang pagganap bilang Pedro Penduko, masaya si Matteo na isa siya sa mga nakikitang magbibigay buhay sa Pinoy superhero. 

"Kung totoo, sige let's do that. It would be an honor and privilege to do so - A Filipino hero, kumbaga a Filipino staple. If it happens, I will give it all and sana mabigyan natin ng justice. 

"Actually nababasa ko sa tweets, pero iko-confirm ko kay Boss Vic," paliwanag niya. 

READ: Si Matteo Guidicelli na ba ang susunod na Pedro Penduko?

READ: Here’s why James Reid has withdrawn from Pedro Penduko

June 1 nang inanunsyo ang pagbitiw ni James Reid para sa pelikulang Pedro Penduko, dahil sa 'spinal injury'. Sa ngayon, wala pang update kung sino ang bagong aktor na papalit sa kaniya.