Lea Salonga to sing theme song for 30th SEA games

Ryan Cayabyab, Floy Quintos, at Lea Salonga, nagsanib pwersa para buoin ang theme song para sa 30th SEA games

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/8/2019 2:03 PM
Lea Salonga to sing theme song for 30th SEA games


Photo credit: @myranetorsa IG

Sa ulat ng TV Patrol, nagsanib pwersa si National Artist for music Ryan “Mr C.” Cayabyab at Palanca awardee Floy Quintos sa pagbuo ng theme song para sa papalapit na 30th Southeast Asian Games na magbubukas sa Pilipinas sa November 30.

Ang Tony awardee at national pride naman na si Lea Salonga ang napiling umawit ng kanta.  “We Win as One” ang tema ng kanta.

“It speaks about the ties that bond our brothers and sisters dito sa region na to,” ani Mr. C. 

“Yung tagline na we win as one, (ibig sabihin) kung sino man ang manalo, lahat tayo panalo,” dagdag pa ni Mr C.

Malaking karangalan naman para kay Lea ang kumanta ng theme song para sa SEA games. “It’s all about the value of hard work, the value of discipline and sport I guess teaches a lot of people something about life,” ayon kay Lea.

Second time na diumano para kay Mr C. na isulat ang theme song para sa SEA games at excited rin ang National Artist para sa collaboration nila ni Lea.

READ: Lea Salonga praises Ryan Cayabyab who was hailed the National Artist for Music