• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz promises to make comeback film with Cathy-Garcia Molina

John Lloyd Cruz promises to make comeback film with Cathy-Garcia Molina

Cathy Garcia-Molina, posibleng gumawa ng pelikula with John Lloyd Cruz

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/8/2019 2:18 PM
John Lloyd Cruz promises to make comeback film with Cathy-Garcia Molina


Sa Tonight with Boy Abunda, lubos ang pasasalamat niseasoned director na si Cathy Garcia-Molina sa box office success ng pelikulang Hello, Love, Goodbye. 

Ito rin daw ang dahilan kung bakit nahihirapan siyang umalis sa industriya. “Kaya siguro ako nahihirapang umalis sa industriyang ito, because of these things that I know… somehow I make people laugh, I make people happy,” ani Direk Cathy. 

Dahil dito, binago ni Direk ang nauna na niyang statement sa TWBA na magre-retire na siya pagkatapos ng pelikula niya with Piolo Pascual. “And its hard to leave the industry because of that. That’s why maybe I’m coming back…Let’s not call it retirement, a break,” giit ni Direk. 

READ: Cathy Garcia-Molina on retiring: ‘It’s time that I serve my children’

May dalawang pelikula pa raw na gagawin si Direk pagkatapos ng HLG. “Dapat isa na lang po with Piolo but then … pumayag pa po akong another one after this,” ayon pa kay Direk Cathy.  

READ: Cathy Garcia-Molina, nagbigay ng detalye tungkol sa comeback film ni Piolo, Claudine

Nang tanungin kung isa sa mga pelikulang iyon ay ang magiging comeback film ni John Lloyd Cruz, sinabi ni Direk Cathy na “sana, pero hindi pa po napag-uusapan.”

Inamin din niya na tinawagan siya ni John Lloyd at tinanong daw siya nito tungkol sa balak niyang pagre-retire. “He called me po before I started this movie. (Sabi niya) 
‘Ano tong nababalitaan kong magre-retire ka na?’ Sabi ko ‘hindi, hindi yan totoo!’” natatawang kwento ni Direk. 

Sinabi rin daw ni Lloydy na gagawa sila ng pelikula ni Direk Cathy ‘pag balik nila pareho sa industriya. “Sabi niya, ‘pagbalik ko na lang… gawa tayo ng pelikula ‘pag balik mo,” kwento pa ni Direk Cathy.   

Pinapili rin si Direk ng mga artista na gusto pa niyang makatrabaho at ang mga napili niya ay sina “Sarah Geronimo, Jodi Sta. Maria, MayWard, Daniel Padilla, Vice Ganda, at Boy Abunda.”