• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin, labis ang pasasalamat sa ika-1,000 episode ng ‘Ang Probinsyano’

Coco Martin, labis ang pasasalamat sa ika-1,000 episode ng ‘Ang Probinsyano’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/8/2019 3:01 PM
Coco Martin, labis ang pasasalamat sa ika-1,000 episode ng ‘Ang Probinsyano’


Photo credit: @mr.cocomartin IG

Labis ang  pasasalamat ni Coco Martin sa walang sawang suporta at pagmamahal ng mga manonood sa pinagbibidahan niyang seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na nakatakdang ipalabas ang kanilang ika-1,000  episode ngayong Huwebes, August 8.

Sa Instagram, muling iginiit ni Coco ang kasiyahan sa lahat ng mga manonood.

 

 

“Sa lahat po ng hanggang ngayon ay sumusubaybay at nanonood po ng 'FPJ’s Ang Probinsyano' kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyo. Sa lahat po ng staff, crew at sa lahat po ng artista. Sa lahat po ng bumubuo ng 'Ang Probinsyano' maraming, maraming salamat po sa walang sawang pagmamahal at suportang ibinibigay niyo sa amin gabi-gabi.

"Kaya pilit po naming pinagbubuti at pinapaganda ang bawat episode para matumbasan po namin ang pagmamahal na ibinibigay niyo. Maraming, maraming salamat po," ani Coco na ginagampanan ang bidang karakter na si Cardo Dalisay.

Matatandaang Setyembre 2015 noong nagsimulang ipalabas ang serye na base sa dating pelikula ng yumaong Hari ng Aksyon na si Fernando Poe Jr.  o FPJ.

Si FPJ, ang asawa ng batikang aktres na si Susan Roces na parte rin ng serye na gumaganap bilang lola ni Cardo.

At tulad ni Coco, nagpasalamat din si Susan sa publiko sa patuloy  na panonood ng Ang Probinsyano.

“Mga ka-Probinsyano, kayo ang nagsisilbing inspirasyon sa aming mga ginagawa dito. Kahit anong pagod namin sulit na sulit. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat,” ani Susan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ang #KwentongProbinsyano1000 ni Ms. Susan Roces #FPJAP0999

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on