• Home
  • Fresh Scoops
  • Yamyam Gucong, ibinahagi ang plano matapos ang ‘PBB: Otso’

Yamyam Gucong, ibinahagi ang plano matapos ang ‘PBB: Otso’

Yamyam Gucong, hindi inakala na magiging big winner siya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/7/2019 2:04 PM
Yamyam Gucong, ibinahagi ang plano matapos ang ‘PBB: Otso’


Hindi maipaliwanag ng Pinoy Big Brother: Otso housemate na si Yamyam Gucong ang kanyang  nararamdaman kasunod ng kanyang tagumpay bilang big winner.

READ: Yamyam Gucong is PBB Otso’s Ultimate Big Winner

Ayon kay Yamyam, hindi niya inakala na maabot niya ang tagumpay sa kabila ng matitinding hamon sa loob ng bahay ni Kuya.

“Sobrang saya ko po na umabot ako day dulo, ‘yung gaano man kahirap ang buhay sa loob ng bahay ni Kuya, talagang na refresh sa akin ngayon na tinanghal ako na ultimate big winner,” tugon ni Yamyam sa panayam.

Dito, pinasalamatan din niya ang mga naging housemate na nakasama niya sa pag-abot ng kanyang pangarap.

“Thank you po na naramdaman ko na kahit hindi ko alam at wala akong ka alam-alam sa outside world talagang naramdaman ko na hindi ako nag-iisa, andito po ‘yung mga taong sumusuporta sa akin, si Kuya na nagbigay aral sa akin at syempre po ang Panginoon na gumagabay sa akin,” aniya pa.

At sa kanyang matamis na tagumpay ngayon, alay ni Yamyam ang kanyang nakuhang premyo sa malalapit na tao sa kanyang buhay.

“Iaalay ko po sa nagbigay sa akin ng inspirasyon, ‘yun po yung aking pamilya po,” sabi pa ni Yamyam.

Bukod sa kanyang pamilya, alay din ng Big Winner na si Yamyam sa kanyang naging tagumpay sa kanya matalik na kaibigan na si Fumiya Sankai.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Dance rehearsal😘🤙

A post shared by Fumiya Sankai 三海フミヤ (@23shun_base) on

 

“Noong magkasama kami sa loob ng bahay ni Kuya, nag-give way siya sa akin para ibigay sa akin ‘yung chance na maging big 4 at parang bigay na din niya sa akin ang oportunidad na ganito po, kaya salamat po sa kaibigan ko na naging pamilya ko sa loob nag bahay,” pahayag pa ni Yamyam.

Matapos ang PBB, plano tapusin ni Yamyam ang kanyang pag-aaral at abutin ang kanyang pangarap na maging isang guro.