• Home
  • Fresh Scoops
  • Pagtitinginan ni Gino Roque at Kiara Takahashi, mauuwi na sa totohanan?

Pagtitinginan ni Gino Roque at Kiara Takahashi, mauuwi na sa totohanan?

Aminado si Gino Roque na nanatiling espesyal sa kanya si Kiara Takahashi.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/7/2019 2:17 PM
Pagtitinginan ni Gino Roque at Kiara Takahashi, mauuwi na sa totohanan?


Matapos ang Pinoy Big Brother: Otso tila mauuwi na sa sa matamis na pagtitinginan ngayon ang nabuong pagkakaibigan ng housemate na sina Gino Roque at Kiara Takahashi.

Sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News kay Kiara sa Big night ng PBB: Otso sa Imus, Cavite, isa sa pinasalamatan niya sa kanyang naging laban si Gino.

“Sobrang saya kasi, sinusuportahan niya din ako and very grateful na nakilala ko din siya also and sobrang saya ko po,” sabi pa ni Kiara.

Dito, naitanong din sa Second Big Placer kung magtuloy-tuloy na nga ba ang kanilang pagtitinginan ni Gino.

 

 

“I don’t know what will happen, but sabi nga namin lagi, just go with the flow lang and we’re both excited to see each other,” aniya pa.

Ang PBB: Otso housemate na si Gino Roque aminadong may espesyal siyang pagtingin para kay Kiara.

”Well depende, kasi sa akin the feelings are the same and sa (recent) interview niya, parang same pa din. Pero depende pa din after if the feelings are still mutual, I hope I can go on a second date with her,” pahayag pa ni Gino.