• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre, ibinahagi ang sikreto ng matibay na relasyon nila ni James Reid

Nadine Lustre, ibinahagi ang sikreto ng matibay na relasyon nila ni James Reid

Sinagot ni Nadine Lustre ang mga nagtatanong kung bakit going strong pa din ang relasyon nila ni James Reid kahit na magkasintahan na sila for three years.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/7/2019 5:53 PM
Nadine Lustre, ibinahagi ang sikreto ng matibay na relasyon nila ni James Reid


Kasunod ng pinagpipistahang showbiz break-up ngayon, naibahagi ng aktres na si Nadine Lustre ang isa sa sikreto ng kanilang relasyon ng boyfriend na si James Reid, na laging sumusuporta sa kanya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

only growing, never slowing, next to you ❤️ 📷: @andreisuleik

A post shared by Naddie 🍒 (@nadine) on

“Communication, trust. Kailangan may tiwala kayo sa isa't isa yun lang naman, communication,” sabi ni Nadine sa premiere night ng kanyang pelikulang Indak.

Ayon pa sa aktres , isa sa naging lesson na natutunan niya sa relasyon nila James ang constant communication sa kanyang partner.

“Yun ang pinaka mahalaga kong natutunan sa relationship ko with James, kahit ano pa ang nararamdaman mo kahit nakakahiya, kailangan sinasabi mo talaga. Hindi naman pwede nang huhula na lang ang partner mo palagi,” pahayag ng aktres.

2016 nang nagsimula ang pagtitinginan nina James at Nadine sa matagumpay na Kapamilya teleserye na On The Wings Of Love.

WATCH: James Reid and Nadine Lustre umamin na in love na sa isa't isa

Naging from reel to real ito noong Feb 11, 2016, nang umamin ang dalawa na sila ay magkasintahan na.