Nadine Lustre, hurado sa bagong Kapamilya show

Ito ang unang beses na pagsabak ni Nadine sa isang reality competition sa ABS-CBN.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/7/2019 2:21 PM
Nadine Lustre, hurado sa bagong Kapamilya show


Photo credit: @nadine IG

Labis na pananabik ngayon ang nararamdaman ng aktres na si Nadine Lustre para sa kanyang nalalapit na proyekto sa Kapamilya network.

Isa si Nadine sa inaasahan na magiging hurado ng upcoming Kapamilya reality show na Your Moment kasama si Boy Abunda.

 

 

“I'm super excited. I really love working with Tito Boy,” pahayag ng aktres sa naganap na Indak premiere night nitong Lunes, August 5.

Ayon pa kay Nadine na first time magiging hurado sa isang reality show, asahan ang kanyang tapat na komento sa kanyang paghuhurado.

“Ako, I'm just really honest ‘pag nagja-judge and with our show, parang it's more of entertainment. Ako, I love being entertained so kung ano ‘yung nararamdaman ko, sinasabi ko lang naman,” ani Nadine.

Patikim pa ng aktres, “Actually, hindi lang po siya para sa mga Pilipino, para sa buong mundo siya. Pero tayo kasi, especially tayong mga Pilipino, napaka-talented nating lahat and its nice na mayroong Your Moment para maipapakita ng mga grupong ito ang kanilang mga talento, sabi pa ng aktres.

At kung tatanungin naman kung handa na rin ba siya sa pag-ulan ng mga negatibong komento sa kanyang paraan ng pagiging hurado, sagot ni Nadine: “Sanay naman na po ako doon, hindi naman na po ako bago sa ganyan, so okay lang sa akin. I mean meron naman talaga ganun hindi mo naman po talaga ‘yun mapipigilan.”

Bukod kay Nadine at Boy Abunda, inaasahan pa ang karagdagang miyembro ng Your Moment na mapapanood sa unang bahagi ng 2020.