Jane Oineza, interesado maging kalaban ni Darna?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/7/2019 2:56 PM
Jane Oineza, interesado maging kalaban ni Darna?


Photo credit: @janeoineza IG

Sa launching ng bagong endorsement kasama ang ilan pang Kapamilya stars, nagkaroon ng pagkakataon si Jane Oineza na linawin sa entertainment press ang dahilan ng kanyang biglang pagkawala sa Los Bastardos bilang si Gigi Octavio.

“Ang real reason why ako pinullout sa Los Bastardos was hinihingi ako for another show. Hindi ko po alam kung ano ang naging pag-uusap pero sa ngayon hindi pa po ako na-a-update” paglilinaw ni Jane.

Dagdag pa ng Kapamilya star, kuntento siya sa mga dumarating na proyekto sa kanya ngayon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Intermission ⏸ Bathroom series muna 😂 ganto yung pag madami kang time.

A post shared by Elizabeth Jane Oineza (@janeoineza) on

 

“Hindi naman po ako nagmamadali ang importante sa akin yung kwento ng projects kung worth it ang projects hindi naman po sa dami rin,” sabi pa niya.

At sa mga netizen na nagsasabing bagay siya na mag audition bilang kalaban ni Darna, ito lang ang naging sagot ni Jane.

“Malaking honor yun at nakapa-iconic ng pelikulang Darna so bakit naman tayo tatanggi sa isang role?” pahayag pa niya.

Kasama si Jane sa pelikulang Tayo Muna Habang Hindi pa Tayo kasama si JC Santos na magsisimulang mag shoot ngayong Agosto.