• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘It's another challenge’: Shaina Magdayao, bibida sa bagong obra ni Ricky Lee

‘It's another challenge’: Shaina Magdayao, bibida sa bagong obra ni Ricky Lee

Makakasama ni Shaina Magdayao sina Iza Calzado at Alfred Vargas sa bagong pelikulang 'MNL-HK-NY' (Manila Hong Kong New York) na isinulat ng award-winning scriptwriter, Ricky Lee.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/7/2019 12:43 PM
‘It's another challenge’: Shaina Magdayao, bibida sa bagong obra ni Ricky Lee


Photo credit: @alfredvargasofficial IG

Nagbigay ng ilang detalye ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao sa bagong pelikulang gagawin ngayong taon, ang MNL-HK-NY (Manila Hong Kong New York), na isinulat ng award-winning scriptwriter na si Ricky Lee. Sa press conference nitong Lunes, August 5, sinabi ni Shaina na tanging tatlo lang silang aktor ang gaganap sa nasabing pelikula. 

"Right now yung working title ay Manila Hong Kong New York, its written by Sir Ricky Lee, and will be directed by Direk Mac Alejandre, I will be with Alfred Vargas and Iza Calzado. So tatlo lang kaming characters sa buong film. It's actually pretty heavy," kuwento ni Shaina. 

Matapos bumida sa episode ng Maalaala Mo Kaya noong July 27, kung saan ay nakatanggap ng papuri dahil sa kaniyang performance, tinuturing ni Shaina na isa na naman itong "challenge" para sa kaniya. 

"It's about loneliness, three lost souls. 

"I'm taking it as a challenge again, because number one it's an honor to breath life into a Ricky Lee character. Nakatrabaho na siya ni Ate (Vina Morales), pero kami hindi pa. So that's why I said yes to it right away," pagpapatuloy ni Shaina. 

 

 

Sa ngayon wala pang ganap na date kung kailan nakatakdang ipalabas ang MNL-HK-NY.

READ: Shaina Magdayao, may surpresang pagbabalik serye sa ‘Nang Ngumiti Ang Langit’

Bukod sa bagong pelikula, nagsimula na ring mapanood si Shaina bilang bagong karakter sa pang-tanghaling teleserye na Nang Ngumiti Ang Langit. Gumaganap siya bilang Nurse Grace, ang bagong kakampi ng bidang karakter ni Sophia Reola.