Earnings ng ‘Hello, Love, Goodbye,’ umabot na sa P319M

Pumalo na sa P319 million ang gross earnings ng pelikulang ipinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/7/2019 3:04 PM
Earnings ng ‘Hello, Love, Goodbye,’ umabot na sa P319M


Photo credit: @starcinema IG

Pumalo na sa P319 million ang gross earnings ng pelikulang ipinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye.

Sa Instagram nitong Martes, nagpasalamat ang Star Cinema para sa patuloy na suporta sa pelikula isang linggo mula ito unang ipinalabas sa sinehan.

 

 

“Dahil sa bugso ng inyong pagmamal sa kwento nina Joy at Ethan, umaapaw ang pasasalamat namin sa inyong lahat!” ani ng film studio sa caption.

Sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, umiikot ang Hello, Love, Goodbye sa istorya ng dalawang overseas Filipino workers na si Joy, isang domestic helper, at Ethan, isang bartender, sa Hong Kong.

Matapos maipalabas sa lokal na sinehan nitong Hulyo 31, nakatakdang gumawa ng kasaysayan ang pelikula bilang unang Pinoy movie na ipapalabas sa Jeddah, Saudi Arabia itong darating na Huwebes, Agosto 8.