• Home
  • Fresh Scoops
  • Alden Richards, nag-react sa paghahalintulad sa kaniya kay John Lloyd Cruz dahil sa pagganap sa ‘Hello, Love, Goodbye’

Alden Richards, nag-react sa paghahalintulad sa kaniya kay John Lloyd Cruz dahil sa pagganap sa ‘Hello, Love, Goodbye’

Overwhelmed ang ‘Hello, Love, Goodbye’ actor na si Alden Richards matapos siyang ihalintulad kay John Lloyd Cruz ni Direk Cathy Garcia-Molina.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/7/2019 12:53 PM
Alden Richards, nag-react sa paghahalintulad sa kaniya kay John Lloyd Cruz dahil sa pagganap sa ‘Hello, Love, Goodbye’


Masayang humarap sa press ang Hello, Love, Goodbye actor na si Alden Richards matapos ang kaniyang Watsons #ProtectYourself Campaign kahapon, August 6. Dito nagbigay ng kaniyang reaksyon ang aktor tungkol sa paghahalintulad sa kaniya ni Direk Cathy Garcia-Molina kay John Lloyd Cruz. 

"Nagulat po ako, when she said that. Everyone knows that I look up to kay John Lloyd Cruz as an actor. He's my inspiration as well, parang the way he acts is isa sa mga acting na I look up to," pahayag ni Alden.

Umani ng papuri ang naging performance ni Alden sa kaniyang bagong pelikulang Hello, Love, Goodbye, na kung saan ay mula rin sa parehong direktor ng pinagbidahan ni John Lloyd noon, ang One More Chance. 

READ: Director Cathy Garcia-Molina on directing Alden Richards: ‘Ayaw niya talaga maghubad!’

"Coming from her (Direk Cathy) [who] has been with John Lloyd in One More Chance movie: dun ako nag-start maging fan ni John Lloyd and Direk Cathy. I'm just so happy. Ang sarap sa pakiramdam na you get acknowledged by the legendary director. So overwhelmed po," dagdag ni Alden.

Record-breaking ang naturang pelikula matapos malampasan nito ang two-hundred million mark sa blockbuster, matapos lamang ang limang araw. Bukod dito, kauna-unahan din ito na ipalabas sa Jeddah, Saudi.

 

 

Nang tinanong naman si Alden kung magkakaroon ng sequel ang Hello, Love, Goodbye, sagot niya, "I'm lookign forward to it, I hope there will be a Part 2 of the movie. [Pero] of course may mga negotiations pa po and parties that we need to settle before that, siyempre kung papayagan po ako ng GMA ulit, of course if Star Cinema will push through for the second installment. But, sana."

Mapapanood pa rin sa mga sinehan ang pelikula ni Alden at Kathryn Bernardo.