• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai delas Alas portrays real life artista character in new film ‘And Ai, Thank You’

Ai-Ai delas Alas portrays real life artista character in new film ‘And Ai, Thank You’

Ai-Ai delas Alas admits she no longer feels the same pressure that she did in her earlier years in showbiz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/7/2019 10:44 AM
Ai-Ai delas Alas portrays real life artista character in new film ‘And Ai, Thank You’


Photo credit: @msaiaidelasalas IG

Isang sikat na artista, endorser, concert performer na malapit nang mamatay ang character na ginagampanan ni Ai-Ai Delas Alas sa latest film niyang And Ai Thank You na prinodyus ng Reality Entertainment at Horseshoe Studios.

Ayon sa comedy concert queen, masaya siya sa bagong role dahil first time niyang gaganap na artista sa pelikula.

“Buhay ng isang artista yung tungkol sa And Ai, Thank You. Yung sobrang sikat niyang artista, then dumating yung panahon na malapit na siyang kunin ni Lord, so doon iikot yung story,” simulang kuwento ng comedy actress.

“Marami akong ginagawang pelikula ngayong taon na ito, sabi ko nakakatuwa din naman kasi yung mga naaalok na project sa akin is iba-ibang karakter ko. Ito iba rin, kasi kahit artista ako, first time kong gaganap bilang isang artista sa pelikula.

“Kaya tuwang-tuwa ako kasi parati akong naka-make-up. Usually, sa soap at sa pelikula lalo na pag indie wala akong make-up. Eh, dito kahit nasa bahay, naka-make-up talaga ako kaya haping-happy ako.

“Salamat naman sa Diyos at nagkaroon ako ng isang role na parati akong naka-make-up at mayaman ako,” masaya niyang pagpapatuloy.

Naniniwala si Ai-Ai na maraming makaka-relate na artista sa And Ai, Thank You movie niya.

Aniya, “Maraming makaka-relate na artista dito. At saka yung involve sa mga artista sa showbiz world.

“Iba-ibang klaseng artista, iba-ibang klaseng peg. May konting ako, konting ganito, konting si ganito, konting si ganyan. Naka-relate ako pero konting-konti lang, siguro yung pagiging iyakin. Pero yung ugali, malayo sa akin yon… malayo,” lahad pa niya.

Inalala ni Ai-Ai ang mga panahong nakaramdam siya ng matinding pressure bilang artista at nagpasalamat siya na nalampasan na niya ito.

“Sobra… sobra (yung pressure). Nung mga nasa 20 years pa lang ako, after Tanging Ina, yon yung parating stress ako pag meron akong pelikulang ilalabas. Kasi masyado akong pressured na kailangan mahigitan ko yung Tanging Ina. Or kailangan kapantay ko yung Tanging Ina. Alam mo yung ganung feeling?

“So ngayon… iba na ang panahon ngayon, eh. Millennial na, so okey na ako. At saka, siguro din, modesty aside, bukod sa matagal na rin naman ako sa industriya, so yon yung pinanghahawakan ko na lang.

“Kumbaga, lahat ‘to nadaanan ko na, hindi na ako nape-pressure. Parang wala na akong ipo-prove sa mga tao kasi lahat nagawa ko na, eh.

“Kumbaga, ini-enjoy ko na lang ‘to, na gift ni Lord sa akin na extension ng career ko for so many years God is so good kasi sa edad ko ngayon marami pa rin akong projects, marami pa rin akong pelikula and God is so good to me,” pahayag ni Ai-Ai.

“Masaya na wala na yung pressure, kasi nagagawa mo na yung gusto mong gawin. Tapos hindi ka na napi-pressure, kumbaga ginagawa mo na lang yung gusto mo at magiging masaya ka don sa project,” hirit pa niya.Ipapalabas ang And Ai, Thank You sa August 14. Kasama ni Ai-Ai sa pelikula sina Dennis Padilla at Rufa Mae Quinto.  The movie is directed by Joven Tan.