• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao, may surpresang pagbabalik serye sa ‘Nang Ngumiti Ang Langit’

Shaina Magdayao, may surpresang pagbabalik serye sa ‘Nang Ngumiti Ang Langit’

Gaganap bilang Nurse Grace si Shaina Magdayao sa pang-tanghaling teleserye ng Kapamilya Network, ang ‘Nang Ngumiti Ang Langit.’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/6/2019 11:21 AM
Shaina Magdayao, may surpresang pagbabalik serye sa ‘Nang Ngumiti Ang Langit’


Masayang inanunsyo ng Kapamilya actress ang kaniyang pagpasok sa cast ng pang-tanghaling teleserye sa Kapamilya Network na Nang Ngumiti Ang Langit, sa press conference Lunes, August 5. 

Excited ang aktres dahil muli niyang makakatrabaho ang direktor na si Erik Reyes, na ayon sa kaniya ay naging direktor niya noong siya ay bata pa lang. 

"I am very excited kasi ang tagal ko nang pinangarap na makatrabaho ulit si Direk Erik Reyes, na direktor ko when I was young. I was I think eight years old. Kung ano yung edad ng mga batang ka-trabaho ko ngayon, yun din yung edad ko when I was working with him," kuwento ni Shaina sa press. 

Gaganap bilang bagong karakter na Nurse Grace, na po-protekta kay Mikmik (Sophia Reola) si Shaina. 

Isa rin sa mga ikinasasaya ng aktres, ay ang paghahalintulad ni Sophia sa kaniyang itsura nung bumida siya sa Lyra, isang teleserye noong 1996. 

"Actually nung nagsa-start pa lang magpromote, may mga nagta-tag na sa akin na kamukha mo itong batang to (Sophia). E kasi naman dun sa buhok, naka apple cut, akong ako talaga. Sabi ko, 'Oo nga grabe, sa pisngi pa lang, akong ako talaga ang batang 'to.'

"I did not expect to be part of the show, but its a beautiful surprise," pagpapatuloy ni Shaina. 

Nang tinanong kung ito na rin ang pagbabalik tambalan ni Shaina at RK Bagatsing, piniling ngumiti na lang ang aktres at hinikayat na abangan ang magiging takbo ng serye. 

 

 

LOOK: Shaina Magdayao shows off slimmer figure

Unang nagkasama sina Shaina at RK, sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya noong nakaraang taon, kung saan ay gumanap sila bilang mag-asawa. 

READ: Shaina Magdayao, inaming ‘malaya’ pa rin ang kanyang puso

Nakatakdang lumabas ang karakter ni Shaina sa Nang Ngumiti Ang Langit ngayong Martes, August 5. Mapapanood ito araw-araw bago mag-It's Showtime.