Mariel Rodriguez, magli-leave muna sa trabaho

Nagsisimula na ang preparasyon ni Mariel Rodriguez para sa kanyang panganganak sa second baby nila ng mister na si Robin Padilla.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/6/2019 11:14 AM
Mariel Rodriguez, magli-leave muna sa trabaho


Nagsisimula na ang preparasyon ni Mariel  Rodriguez para sa kanyang panganganak sa second baby nila ng mister na si Robin Padilla.

Sa guesting ni Mariel sa Magandang Buhay, ibinahagi niya na magsisimula na siyang mag-leave sa kanyang trabaho sa telebisyon.

Paliwanag ng It's Showtime host, kailangan niyang maglaan ng oras sa kanyang asawa at panganay nilang anak na si Maria Isabella bago siya magsilang sa kanyang second baby sa Amerika.

"Magli-leave ako. Kasi I want to spend time with Robin also, kami ni Isabella. Magli-leave muna ako sa work. Thank you so much sa ABS-CBN, sa 'Showtime' family kasi naiintindihan nila na kailangan ko," ani Mariel.

"Siyempre I need to spend time with Robin also before Isabella and I fly to States to get ready when I give birth," dagdag ni Mariel.

Matatandaan din na sa Amerika nanganak si Mariel sa panganay nilang si Maria Isabella noong Nobyembre 2016.

Nakatakdang magdiwang ng kanilang ika-siyam na anibersaryo sina Mariel at Robin ngayong Agosto 19.

At sa bihirang pagkakataon, muling nagpalitan ng kanilang pangako ang celebrity couple.

Ayon kay Robin, hindi nagbago ang pagmamahal niya para sa asawa.

"Wala namang nababago sa ipinangako ko sa iyo noong tayo ay sumumpa at ikinasal sa India. Lahat nang sinabi ko noon. Ikaw ang nananatiling lakas ko. Alam ko sa mga panahon ngayon lagi akong nasa alanganin. Mahal na mahal kita tandaan mo 'yan, iniibig kitang tunay," pahayag ni Robin kay Mariel.

Tila pag-ulit sa kanilang wedding vows ang salitang binitawan naman ni Mariel para kay Robin.

"Whatever happens, I will remain faithful. I will remain loyal. I will remain hopefully your sunshine, to make you happy always, to take care of our children and to raise them how I know you want me to be, that's my promise to you. To love you and honor you always, parang wedding vows. I love you," ani Mariel.