‘Hello, Love, Goobye’, gagawa ng kasaysayan sa Jeddah

Gagawa ng kasaysayan ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na "Hello, Love, Goodbye" bilang unang Filipino movie na ipapalabas sa Jeddah, Saudi Arabia.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/6/2019 11:43 AM
‘Hello, Love, Goobye’, gagawa ng kasaysayan sa Jeddah


Gagawa ng kasaysayan ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na "Hello, Love, Goodbye" bilang unang Filipino movie na ipapalabas sa Jeddah, Saudi Arabia sa Agosto 8, 2019.

Ito ang magandang balita na ibinahagi ng Star Cinema at The Filipino Channel o TFC sa kanilang social media posts. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mico Del Rosario (@micodelrosario1) on

 

"#HelloLoveGoodbye will make history for Philippine cinema as the first ever Filipino movie to screen in Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia! 

Para sa inyo po ito, mga Kabayan namin sa Jeddah! Tapos na ang paghihintay ninyo! Sa wakas, isang pelikulang Pilipino ay mapapanood na natin! Kaya naman yayain na ang lahat ng Pinoy na kakilala mo sabay-sabay po tayong manood ng blockbuster movie na ito starring Kathryn Bernardo at Alden Richards! #HelloLoveGoodbyeKSA," ito ang naging post ng TFC ngayong Martes.

Nitong Lunes ay ibinahagi ng Star Cinema na pumalo na sa higit P250 milyon ang kinita ng "Hello, Love, Goodbye" mula nang ipalabas ito sa mga sinehan noong July 31.