• Home
  • Fresh Scoops
  • Heaven Peralejo, nilinaw ang isyung ginamit niya lamang si Jimuel Pacquiao

Heaven Peralejo, nilinaw ang isyung ginamit niya lamang si Jimuel Pacquiao

Itinanggi ni Heaven Peralejo na pera lamang ang naging habol niya kay Jimuel Pacquiao.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/6/2019 10:47 AM
Heaven Peralejo, nilinaw ang isyung ginamit niya lamang si Jimuel Pacquiao


Photo credit: @pacquiao.emmanuel and @heavenperalejo IG

Simula nang umamin noon si Heaven Peralejo na boyfriend na niya si Jimuel Pacquiao, anak ni senator and world boxing champ na si Manny Pacquiao, ay hindi na natigilan si Heaven ng bashers at sinabing gold digger ito.

Mariin namang itinanggi ito ni Heaven at nang makapanayam siya ng ABS-CBN News ay nilinaw rin niyang hindi siya nagmahal dahil lamang sa pera.

“Walang totoo doon kahit ano, 'yung sa bags and everything. Ang binigay niya lang ata is a wallet and also it's for my birthday. That's it," aniya.

"Hindi ko naman siya tatay! I mean to get anything na mamahalin and I also have the money din for myself and I don't need anyone's money din naman to buy what I love,” dagdag pa niya.

Matatandaan namang pumutok ang balitang hiwalay na sila nang mag unfollow sila sa isa’t isa online.

Read: Jimuel Pacquiao and Heaven Peralejo unfollow each other on Instagram

“You ask him, basta ako go, oo push. Ano lang tayo, moving forward tayo,” sambit ni Heaven.

Nang tanungin kung naaapektuhan siya ng bashers, sinabi niyang hindi siya takot dahil hindi totoo ang balita nilang user siya.

"No, kasi hindi naman totoo, so bakit ako masasaktan. I know naman kung ano ang tama, I know kung ano ang totoo. So sabi ko shrug off lang kasi hindi nila (bashers) alam ang tama.”