• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson, bumwelta sa mga ‘nakikisawsaw’ sa isyu nila ni Bea Alonzo

Gerald Anderson, bumwelta sa mga ‘nakikisawsaw’ sa isyu nila ni Bea Alonzo

“Hindi ko alam na kasama din pala sila sa relationship ko.” Aminadong dismayado ang aktor na si Gerald Anderson sa mga aniya ay “nakikisawsaw” sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/6/2019 6:29 PM
Gerald Anderson, bumwelta sa mga ‘nakikisawsaw’ sa isyu nila ni Bea Alonzo


Photo Credit: @andersongeraldjr @beaalonzo on Instagram

Aminadong dismayado ang aktor na si Gerald Anderson sa mga aniya ay “nakikisawsaw” sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo.

Nitong Lunes, sinabi ng 30-year-old star na nais niya sanang maging pribado ang kanilang pag-aayos ng dating girlfriend, ngunit hindi ganoon ang nangyari. Ito ay nang tanungin siya ng ABS-CBN News kung bakit nito lang niya naisipang mag-salita ukol sa isyu.

"Maraming mga opinion and maraming nakikisawsaw. Hindi ko alam na kasama din pala sila sa relationship ko. It is what it is," aniya.

Sa gitna ng kontrobersiya, bumaha ang suporta para kay Bea mula sa Kapamilya stars katulad na lamang nina Angel Locsin, Kris Aquino, Dawn Zulueta, Angelica Panganiban, at Loisa Andalio.

Maging sina Claudine at Gretchen Barretto na mga tita ni Julia Barretto, na siyang dinadawit bilang third party sa hiwalayang Gerald at Bea, ay nagpadala rin ng bulaklak kay Bea bilang kanilang pakikisimpatya.

Samantala, nilinaw naman ni Gerald na walang katotohanan sa usap-usapang may kinalaman ang kanyang Between Maybes leading lady sa nangyari.

READ: Gerald Anderson on relationship with Bea Alonzo: ‘We had this big fight’

Aniya, “Siguro, ang nangyari, just like any relationship, you have those moments where you have that fight, after fight after fight after fight."

"Doon din 'yung realization na hindi na siya masyadong healthy, and we're just hurting each other... and then after that, you have to stay strong and disciplined para umiwas muna sa communication,” dagdag pa ng aktor.