Ex-PBB housemate Bam Romana, engaged na

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/6/2019 10:07 AM
Ex-PBB housemate Bam Romana, engaged na


Photo credit: @dimplesromana IG

Engaged na ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Bam Romana, kapatid ng aktres at bida ng seryeng Kadenang Ginto na si Dimples Romana.

Sa kanyang Instagram nitong Martes, ibinahagi ni Dimples ang kasiyahan na masaksihan ang proposal ng kanyang kapatid sa non-showbiz girlfriend nito.

Kahit abala sa trabaho, siniguro ni Dimples na magiging parte siya ng mahalagang araw para sa kanyang kapatid. 

 "Aaaaand my baby brother is finally engaged I’m packed with work daily but we had to take this trip with my brother, his girlfriend Ineng @krisellevillanueva and Ineng’s beautiful daughter @anishavillanueva for the proposal. Di pwedeng wala si Ate, had to see it up close and be there for the moment!" post ni Dimples. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Aaaaand my baby brother is finally engaged ❤️🥰 I’m packed with work daily but we had to take this trip with my brother, his girlfriend Ineng @krisellevillanueva and Ineng’s beautiful daughter @anishavillanueva for the proposal ❤️ Di pwedeng Wala si Ate ❤️ had to see it up close and be there for the moment! So grateful for @kan.snap our photographer from @sweet.escape who captured everything that was happening and more ❤️ the photos are as stunning as the location. So happy for you @bamromana and Ineng @krisellevillanueva ❤️ pagang paga ang mata ni @callieahmee at @anishavillanueva ❤️❤️❤️ #DimpsTips if you’re traveling with your loved ones and want hassle free shoots and beautiful photos to remember your travel by, download and head on to the @sweet.escape app and use the promo code *DIMPLES* - $50 off + 30 extra photos. Valid till December 31, 2019 ☀️✨

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

 

Nagpasalamat din ang aktres sa fiancé ng kanyang kapatid dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nito kay Bam.

"Thank you Ineng @krisellevillanueva for answering Bam’s prayers. For loving him and for sharing your family with him @anishavillanueva. I see how nurturing you are to him and how patient and forgiving you have been. Maraming, maraming salamat.  Sa mga ate na katulad ko, laging dasal namin na makahanap ang mga kapatid namin ng magmamahal sa kanila at mamahalin din nila habambuhay. You truly are his calm and drive. And you have made my 'Ate' heart the happiest! We love you and Naynay ...," dagdag ni Dimples.

Si Bam ay naging parte ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong 2006, kung saan itinanghal na big winner si Kim Chiu.