Mylene Dizon shares why she doesn’t believe in marriage

Ipinaliwanag ng aktres na si Mylene Dizon kung bakit wala siyang planong mag-settle down kasama ang kanyang partner na si Jason Webb.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/5/2019 10:46 AM
Mylene Dizon shares why she doesn’t believe in marriage


Halata sa aktres na si Mylene Dizon, bida ng Cinemalaya film na Belle Douleur (Beautiful Pain) na wala sa bokabularyo niya ang magpakasal sa kanyang live-in partner na si Jason Webb.

“I’m just surrounded by so many people whose marriages have fallen apart where in the beginning they were fine.

“Siguro marami ang magsasabing marami namang successful marriages, yes of course there are. Pero I am surrounded by failed marriages, and I’m in a very good place right now, why rock it?

WATCH: Trailer of ‘Belle Douleur’ starring Mylene Dizon, Kit Thompson

“Puwede ko siyang gawin bago ako mamatay, if I really want to. But the pain that I saw that my friends had experienced is not something that I want to experience now,” dire-diretsong pangangatwiran ng aktres sa usaping kasal.

Wala ring pakialam ang aktres sa kung anuman ang sasabihin ng ibang tao sa kanyang desisyon dahil aniya, choice niya naman ito.

“Of course, sabi ng iba, ‘puwede ka namang lokohin ng boyfriend mo. Of course, puwede pero hindi ko sila asawa.

 “Mas madaling takasan. Maraming magbabatikos, pero choice ko to eh.

“Bakit ba? Eh di magpakasal kayo!” pagbibiro pa nito.

Nakatira ang mag-partner ngayon sa Cavite. Kasama nila ang mga anak ni Jason sa unang asawa nito at ang dalawa ring anak ng aktres kay Paolo Paraiso.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Bonding with you is gold ♥️ Happy Holidays to all!

A post shared by Mylene Dizon (@missmylenedizon) on

Wala na rin daw silang balak magkaanak ni Jason.

“We are enjoying each other’s company already because the children are having their own independent lives because they’re now young adults.

“They’re needing us less and less, so there is more time for me and Jason to enjoy this youth kumbaga,” pahayag pa niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My Beijing Foot Spa date ❤️❤️❤️

A post shared by Mylene Dizon (@missmylenedizon) on

Matipid din ang aktres sa pagbibigay ng detalye about her private life.

“Because these people -- if you talk about my children, my boyfriend, my mom, my brothers -- these people that I enumerated are private people. So it’s something that you have to respect.

“I mean, it’s not my position to put them in the limelight. Kahit ako, I’m not in the limelight,  I’m just an actor, but I’m not a celebrity,” huling pahayag ni Mylene sa PUSH.