• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos, ipinaliwanag kung bakit hindi natutuloy ang proyekto nila ni Piolo Pascual

Judy Ann Santos, ipinaliwanag kung bakit hindi natutuloy ang proyekto nila ni Piolo Pascual

Sinabi ng aktres na si Judy Ann Santos wala naman problema sa kanya kung sila ay magiging magkatrabahong muli ng dati niyang leading man na si Piolo Pascual.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/5/2019 4:20 PM
Judy Ann Santos, ipinaliwanag kung bakit hindi natutuloy ang proyekto nila ni Piolo Pascual


Binigyang linaw ng aktres na si Judy Ann Santos na nanatili siyang bukas sa posibilad na pagsasama nila ni Piolo Pascual sa isang proyekto.

Sa panayam ng PUSH at ilang miyembro ng entertainment press sa Champion Supra Power event sa Makati nitong Agosto 5, Lunes ng tanghali, sinabi ng aktres na bukas siya sa posibilidad na ito.

“Lagi naman tinatanong yan sa bawat press conference (laughs) gaya ng sinabi ko wala namang imposible, with a right project, it will always happen, always happens,” tugon ng aktres.

“It’s just that, wala akong mapusuan na script,” paliwanag pa niya.

Kuwento pa ng aktres, patuloy ang paglapit ng mga offers para sa kanilang reunion movie ni Piolo.

“Marami, maraming marami, hindi nawawala ang offer that’s for sure and that I can say,” aniya.

Paliwanag ni Juday:  “It’s just, if I see a project na para sa amin ni Piolo, sasabihin ko naman e’, its just that it’s been too long and we do not want to present a movie na basta na lang, para lang magkaroon ng Juday-Piolo project,” sabi pa niya.

READ: Piolo Pascual, willing maghintay kay Judy Ann Santos para sa reunion project

Dala ng katagalan sa napipintong balik pelikula ng Piolo-Judy Ann, inamin ng aktres na mas pinipili niya ngayon ang mga alok na scripts.

“Pero habang tumatagal, lalong nagiging kritikal kasi mas gusto kong maayos ang takbo ng istorya. It should be well worth the wait, and habang hindi pa kami gumagawa, ng project ibig sabihin, wala pa akong nagugustuhan na istorya,” aniya.

Dagdag pa ni Juday, “Ako actually ang dahilan kasi ako ang namimimili ng project talaga,”pahayag pa niya.

Matatandaan na sa huling panayam kay Piolo, sinabi din niya na willing siya na maghintay para kay Juday.

Ang Don’t Give Up On Us Baby, na ipanalabas pa noong 2006, ang huling pelikula ng dating magka-love team.