• Home
  • Fresh Scoops
  • Alden Richards at Kathryn Bernardo, nagpasalamat sa tagumpay ng ‘Hello, Love, Goodbye’

Alden Richards at Kathryn Bernardo, nagpasalamat sa tagumpay ng ‘Hello, Love, Goodbye’

Umabot na sa 250 million pesos na ang kinita ng ‘Hello Love Goodbye’ simula noong ipinalabas ito sa mga sinehan noong July 31.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/5/2019 9:33 AM
Alden Richards at Kathryn Bernardo, nagpasalamat sa tagumpay ng ‘Hello, Love, Goodbye’


Photo Credit: @aldenrichards02 on IG

Sobra-sobra ang pasasalamat ng aktres na si Kathryn Bernardo sa tagumpay ng Hello, Love, Goodbye kasama si Alden Richards.

Sa huling tala ng Star Cinema, umabot na sa lagpas 250 Million ang kinita ng pelikula simula ng maipalabas ito noong July 31, na inaasahan pang madagdagan sa mga susunod pa na araw.

Sa ulat ng ABS-CBN News, ipinaabot ni Kathryn ang kanyang maagang pasasalamat sa tagumpay ng unang pagsasama nila ni Alden sa proyekto.

“Gusto kong magpasalamat sa lahat, lahat ng nanood, 'yung ngiti ko hindi ko na po maalis,” sabi ng aktres.

Naguumapaw din ang saya niya sa mga nababasang positibo na reviews mula sa mga nakapanood na ng kanilang pekikula.

“Maraming, maraming salamat sa napaka-overwhelming na nare-receive namin na reviews sa mga nanood ng movie,” dagdag pa niya.

Aniya, higit pa sana sa pasasalamat ang nais niya na ipaabot sa mga nakapanood na ng Hello, Love, Goodbye.

“Hindi ko alam kung ano pa 'yung pwede kong sabihin na higit sa salamat dahil grabe po ang saya ng buong team ngayon,” masayang pahayag ni Kathryn.

Sa Instagram naman, napa-throwback naman dahil sa sama ng panahon si Alden.

Dito, binalikan niya ang isa sa mga markadong eksena nila ng Kapamilya actress sa Hong Kong.

“Sobrang maulan din when we shot this scene. Pagod and gutom na kaming lahat, but it was all worth it. Iba si LORD. Thank you all for braving the rain to watch our film, but ingat po tayong lahat. I see your messages and stories — my heart is full of gratitude,” sabi ng post ng aktor.

Directed by Cathy Garcia-Molina, dinudumog pa din sa mga sinehan ang Hello Love Goodbye kahit hindi maganda ang panahon.