• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘This 15 Me’ ni Sarah Geronimo, mapapanood na sa Netflix

‘This 15 Me’ ni Sarah Geronimo, mapapanood na sa Netflix

Inaasahan na napapanood sa Netflix si Sarah Geronimo ngayong Agosto.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/4/2019 11:43 AM
‘This 15 Me’ ni Sarah Geronimo, mapapanood na sa Netflix


Masayang ibinahagi ng concert at movie director na si Paul Basinillo ang bagong achievement ng sa isa sa kanyang mga naging proyekto kasama ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

 

 

Kasunod ito nang inaasahan na pagiging bahagi ng This 15 Me anniversary concert ni Sarah sa digital movie streaming na Netflix.

“I’m very excited for the Industry in general, because I think we finally opened a door for our content. I’m proud of our team and of course for Sarah because it’s a first in the Philippines. Up to now I still can’t believe we can finally see our show streamed on Netflix,” bungad ni Direk Paul.

Kuwento niya sa PUSH, hindi naging madali ang proseso na kanilang pinagdaanan para maging bahagi ang This 15 Me concert documentary sa sikat na digital movie streaming site.

“We went to HK during the Film Market and met with the executives of Netflix to pitch some movies that we are currently working on and we brought along Sarah’s This 15 Me Concert which we just finished,” ani direk Paul.

“They liked it right off the bat. But I was still editing the video at that point so we had to come back in Singapore to present it again after a few months. There was a lot off going back and forth since they are very stringent in terms of quality. They have really good screeners and most of the technical part is automated, so glitches and other video and audio decays get noticed first and had to be corrected,” kuwento pa niya.

Dahil sa posibilidad na pagbubukas pa ng maraming oportunidad sa sikat na digital streaming, umaasa si Direk Paul masundan pa niya ng iba pang Sarah Geronimo project na pwede din maging bahagi ng Netflix.

“I hope so. I’ve been doing most of her concerts, music videos and some TVC’s and This 15 Me is now on Netflix so I guess lady luck is on our side. I sure love to do a movie with her. Crossing my fingers. We’ll see,” pahayag pa ng direktor.

Bukod sa This 15 Me ni Sarah Geronimo, ilan Kapamilya movies na din ang napapanood ngayon sa Netflix.

READ: Kapamilya movies on Netflix

Sa ngayon, tutok muna si Direk Paul sa nalalapit na showing ng Indak na pangungunahan nina Sam Concepcion at Nadine Lustre.