• Home
  • Fresh Scoops
  • Edward Barber: ‘I trust Maymay (Entrata) and I trust Donny (Pangilinan)’

Edward Barber: ‘I trust Maymay (Entrata) and I trust Donny (Pangilinan)’

Edward Barber, ipinaliwanag ang issue na nakitang magkasama si Maymay Entrata at Donny Pangilinan sa church.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/4/2019 12:23 PM
Edward Barber: ‘I trust Maymay (Entrata) and I trust Donny (Pangilinan)’


Photo credit: @edward_barber and @donny IG

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Hiwaga ng Kambat star at MYX VJ Edward Barber na seloso siya at selosa rin daw ang ka-love team niya na si Maymay Entrata. 

READ: Edward Barber, Ylona Garcia introduced as new MYX VJs
 
Mas buhos din daw ang kanyang pagmamahal kay Maymay kesa kay Maymay para sa kanya. “Ako, at pag nandito siya she would be agreeing with me. Dapat, hopefully,” ani Edward. 

Sa tanong naman kung nagseselos siya kay Donny Pangilinan, sinabi ni Edward na “no.” Natatawa lang daw silang tatlo sa mga nagli-link at nagsi-ship kay Donny at Maymay. “Yung totoo po tumatawa po kaming tatlo… It’s not a big thing for all of us,” sabi ni Edward. 

Nilinaw din ni Edward ang issue na nagsasabing nakita si Maymay at Donny na magkasama sa church.  “We all go to the same church kasi. Siguro when netizens saw them together, I was there too. Kasi Maymay and I go to church and Donny as well, and usually in the same time,” paliwanag ng actor at VJ.  

Wala rin problema para kay Edward kung mag-hangout si Maymay at Donny ng wala siya. “No worries at all kasi I trust Maymay and I trust Donny,” ayon pa kay Edward. 

Inamin din ni Edward na ang huling lalaking pinagselosan niya ay ang brother ni Maymay dahil sa bukod sa close si Edward kay Maymay, ay close din daw siya sa brother ni Maymay.  “So when they’re both together parang wala akong kaibigan,” sabi ni Edward. 

Hindi pa rin daw sila handa ni Maymay na maipareha sa ibang artista. “We thought about it. Yung totoo ayaw po namin,” pagtatapat ni Edward.  

READ: Edward Barber pens thoughtful message for Maymay Entrata