Sue Ramirez, nakita na ang kabuuan ni RK Bagatsing

Magpapainit at magpapatawa si Sue Ramirez sa pagbubukas ng Ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/31/2019 12:38 PM
Sue Ramirez, nakita na ang kabuuan ni RK Bagatsing


Panibagong role ngayon ang humamon kay Sue Ramirez na bida ngayon sa Cuddle Weather.

Para kay Sue, napapanahon na ang i-challenge ang kanyang sarili na next level ang role ngayon bilang isang artista.

“I said, I wanted to challenge myself I wanted to take on roles na I’m afraid to do so, ito na yun. So this is my push parang pinu-push ko ang sarili ko to do things that I’m afraid of,” aniya sa media conference ng pelikula.

Ito din ang first time na makaka-trabaho ni Sue ang leading man na si RK Bagatsing na bigay todo agad sa kanilang eksena.

“Unang araw na magkatrabaho kami ni RK, nag-shoot na kami ng poster hubad na kami agad noon. Actually I think maganda na ganoon na agad at least nakita mo na agad ang kabuuan ng tao no! (Laughs) joke walang malisya,” masayang sabi ni Sue.

At kumpara sa nga nakaraang karakter na nakasanayan kay Sue, malaki talaga ang pagkakaiba nito.

“Ito po para sa mga tao na manonood, ‘Words are just words. How you react to it is up to you.’ Kung paano niyo pakikinggan ang mga salita it is up to you.” 

Opisyal na entry ang Cuddle Weather sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood ngayong September 13.