• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinay ‘X Factor UK’ contestant Maria Laroco, pangarap maka-duet si JK Labajo

Pinay ‘X Factor UK’ contestant Maria Laroco, pangarap maka-duet si JK Labajo

Produkto din ng Kapamilya singing search si Maria Laroco na ‘The Voice Kids’ sa ilalim ng Team Lea.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/31/2019 12:29 PM
Pinay ‘X Factor UK’ contestant Maria Laroco, pangarap maka-duet si JK Labajo


Balik Pilipinas ngayon ang Pinay finalist ng X Factor UK”na si Maria Laroco na bumirit sa mga hurado ng International singing search.

Pero, bago pa man na sumabak sa International stage, nauna nang gumawa ng pangalan si Maria sa Kapamilya singing search na The Voice Kids season one.

“I joined The Voice Kids season one Team Lea! The first one to turn was coach Sarah and sabay nag-turn si coach Lea and Bamboo umikot after. ‘Yung sinabi nya off cam na I’m so talented daw po,” kuwento ni Maria sa naganaganap na album launch niya na Just Maria.

At bilang kasabayan si JK Labajo na isa din produkto ng The Voice Kids, pangarap din ni Maria na makasama ito sa isang collaboration.

“I love singing. JK kasi ka batch ko siya sa voice kids,” aniya pa.

Kahit na gumawa ng pangalan sa X Factor UK, dala pa din ni Maria ang bandila ng Pilipinas.

“I’m 100 percent Filipino po, I was born and raised here in the Philippines and I’m very proud to represent the Philippines in the international industry.”

Nais din na subukin ni Maria ang showbiz bilang artista, pero, mas nasa puso niya na ipagpatuloy ang nasimulan sa pagiging isang mang aawit.