Nominasyon para sa ABS-CBN Ball Fan Fave, bukas na

Magaganap ang ABS-CBN Ball sa Setyembre 14.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/31/2019 5:26 PM
Nominasyon para sa ABS-CBN Ball Fan Fave, bukas na


Pormal na inanunsyo ng ABS-CBN na bukas na ang nominasyon para sa ABS-CBN Ball Fan Fave para sa nalalapit na ABS-CBN Ball na idinaraos taun-taon. 


Ang gagawin lamang ng netizen ay magtu-tweet gamit ang hashtag na #ABSCBNBallFanFave at banggitin ang paboritong Kapamilya artist. Malalaman ang mga pasok sa nominasyon sa araw ng nasabing kaganapan sa Setyembre 14, Sabado. 


Sa araw na iyon ay pwede nang bumoto ang netizens at malalaman din sa gabing ‘yon ang panalo.

 


Ang ABS-CBN Ball ay para sa pagsuporta sa Bantay Bata 163 education. 


Noong 1997, inilunsad ni Gina Lopez ang Bantay Bata 163 at hanggang ngayon, patuloy itong nagbibigay ng kalinga at pag-asa sa mga kabataan--kaya naman ang ABS-CBN Ball ay susuporta sa Bantay Edukasyon para makapamahagi ng scholarships.

 

 

Marami naman sa mga nasagip na mga bata noong bagyong Ondoy ang nabigyan din ng scholarships.