• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Michael de Mesa, hindi pinangarap ang maging sikat na ‘star’

EXCLUSIVE: Michael de Mesa, hindi pinangarap ang maging sikat na ‘star’

Michael de Mesa, gusto lang maging actor at umarte.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/31/2019 11:35 AM
EXCLUSIVE: Michael de Mesa, hindi pinangarap ang maging sikat na ‘star’


Photo credit: @mdemesa24 IG

Hindi na matandaan ng beteranong aktor na si Michael de Mesa kung ano ang huling pelikulang ginawa niya na siya ang lead actor na tulad ng latest film niyang Marineros kung saan siya ang bida.

“Hindi ko talaga siya maisip,” reaksyon niya sa tanong namin kung ano ang huling lead role na ginawa niya sa movie.

“Actually, it’s very, very seldom that I get yung lead roles na sa akin talaga tumatakbo yung istorya. But it’s always been like a major supporting role na minsan matatawag mong lead/support, pero yung lead talaga, I can’t remember, it’s been a while na talaga,” dugtong pa niya.

Bagama’t hindi madalas magbida noon ay masaya naman daw siya sa tinahak ng kanyang showbiz career.

“I’m very happy sa takbo ng career ko ngayon, kasi ever since, hindi ako talaga namili ng role whether it’s a supporting or a lead role. Kahit ano pa yan gagawin ko.

“I did not limit myself also to certain characters. I became very, very open sa lahat. Kung anuman yung dumating sa akin at alam kong kaya ko, gagawin ko. Kaya rin siguro napagkakatiwalaan ako na bigyan ng iba-ibang role kasi nagagampanan ko din naman,” katwiran ng award-winning actor.

Hindi rin daw niya pinangarap ang maging sikat na “star” noon dahil ang gusto niya lang ay maging actor at umarte.

“I’ve never really dreamt of being a star,” giit niya. “I’ve always wanted to be an actor and that’s how I established myself, kumbaga, as an actor. So, in terms of how my career is growing I’m very, very pleased with it. I’m very, very happy at hanggang ngayon nabibigyan pa rin ako ng trabaho,” lahad pa niya.

Nagsimulang mag-artista si Michael taong 1973 kaya 46 years na siya sa industriya. Isa sa hindi malilimutang pelikulang ginawa niya ay ang controversial film na Unfaithful Wife kung saan nanalo siyang best actor sa Gawad Urian.

“I can say it’s more than that (46 years) pa, kasi diyan ako lumaki, eh. Pinanganak ako sa industriyang ito because of my parents (na parehong artista) and I really consider myself ‘anak ng idustriya.’

“Ito yung reality ko, eh, itong show business, this industry is my reality.  I was born in this industry, I grew up in this industry and I know I will die in this industry.

“I tried migrating, nagpunta ako sa Amerika for five years. I thought I got sick and tired of showbiz, but when I was there na-miss ko ito and that’s when I really realize kung sino talaga ako and that’s what pushed me to come back.

“So, bumalik ako and maganda rin naman yung naging timing ng pagbabalik ko and tuluy-tuloy talaga yung work ko and hindi talaga ako nabakante whether it’s film, TV and theater. I’ve been really, really blessed na hanggang ngayon nandito pa rin ako,” pagmamalaking kuwento ni Michael sa PUSH.

Samantala, bukod sa Marineros na showing on September 20 ay napapanood din si Michael bilang isa sa miyembro ng Task Force Aguila sa hit series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.