• Home
  • Fresh Scoops
  • Sylvia Sanchez on her almost romance with Joey Marquez: ‘Siguro kung wala siyang Alma (Moreno) nung time na yun…’

Sylvia Sanchez on her almost romance with Joey Marquez: ‘Siguro kung wala siyang Alma (Moreno) nung time na yun…’

‘Pamilya Ko’ stars Sylvia Sanchez and Joey Marquez recount their almost romance.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/30/2019 1:18 PM
Sylvia Sanchez on her almost romance with Joey Marquez: ‘Siguro kung wala siyang Alma (Moreno) nung time na yun…’


Sa Tonight with Boy Abunda, masayang nagkwento sina Pamilya Ko stars Sylvia “Ibyang” Sanchez at Joey “Tsong” Marquez tungkol sa naudlot nilang romance noong sila ay mga dalaga’t binata pa. “Siguro kung wala siyang Alma (Moreno) nung time na yun, and nung time na yun pumapasok na rin si Art (Atayde). Siguro kung wala talaga… naging kami,” ani Ibyang. 

Nagkasama daw sina Ibyang at Tsong noon dahil sa gumawa sila ng mga movies together. 

“Napakaganda niya talaga, napaka-sexy, napakaputi at saka madaling pakisamahan,” ani Tsong tungkol kay Ibyang.

Inamin din ni Ibyang na nagka-crush siya noon kay Tsong. “Ay oo naman. Nung time na pagpasok ko, sila yung sikat, siya, si Richard (Gomez). Richard is gwapo, Tsong is gwapo pero ang lakas ng appeal niya. Iba yung Joey Marquez,” sabi pa ni Ibyang. 

“Medyo” aware naman daw si Tsong na malakas ang appeal niya.  “They may have all the looks, I got the sex appeal,” natatawang sabi ni Joey.

Bukod sa mabait ay “pilyo” daw noon si Tsong. “Naninilip yan. Siyempre nakikita ko yun,” rebelasyon ni Ibyang. 

“Lalapitan ko na siya, sisigaw siya si Alma! Nandyan, si Alma!” kwento pa ni Joey.

Humihinto naman daw noon si Joey kapag sumisigaw na si Sylvia ng “Alma.” “Napapa-stop siya kasi alam kong wala e, lokohan lang e,” ayon pa kay Ibyang. 

Pagbibiro pa ni Joey, kung wala silang mga karelasyon noon ay naging sila siguro ni Ibyang pero, “baka hiwalay na rin kami ngayon,” ayon pa sa comedian.   

“Buti na lang hindi kami naging kami kasi sobrang chickboy siya… ako (matapang). Nagsuntukan na (siguro) tayo, hiwalay na tayo ngayon,” dagdag ni Ibyang. 

Pero dahil na rin daw sa naging magkatrabaho na sila noon, kaya ang ganda ng rapport nila ngayon sa upcoming teleseryeng Pamilya Ko kung saan mag-asawa ang mga characters nina Tsong at Ibyang.  

Rebelasyon ni Ibyang, inaanak ni Tsong ang anak niyang si Arjo. At naikuwento naman daw niya sa asawa niyang si Art ang kapilyuhan noon ni Tsong Joey. 

PANOORIN: Sylvia Sanchez, sinorpresa ng pamilya sa kanyang birthday

Almost six years na rin ang relationship ni Joey at ng partner nito na si Malou Quintana. Inamin ni Joey na napag-usapan na rin nila ang pagpapakasal. “We did. (Pero) mas priority ko kasi… kinukuha ko muna ang approval ng mga anak ko. And it seems all my children love her,” pagtatapos ni Tsong Joey.