• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Nagulat rin ako’: JC Santos sa kissing scene nila ni Ina Raymundo

‘Nagulat rin ako’: JC Santos sa kissing scene nila ni Ina Raymundo

Nagbigay din ng kani-kaniyang opinyon sina JC Santos at Ina Raymundo tungkol sa open relationships, na tema ng kanilang bagong pelikula.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/30/2019 9:16 AM
‘Nagulat rin ako’: JC Santos sa kissing scene nila ni Ina Raymundo


Sa naganap na press conference para sa bagong pelikulang Open, ikinuwento ni JC Santos at Ina Raymundo ang pinag-uusapang kissing scene nila mula sa trailer. Paglilinaw ni Ina, hindi iyon matatawag na "laplapan" kundi normal lang na "lips to lips."

"Correction hindi siya laplapan. Kasi kapag sinabi mong laplapan, may tongue yon. Pero wala siyang tongue. Lips to lips, with passion, with acting," natatawang paliwanag ni Ina na sinabing nakadalawang take ang naturang eksena.

Dagdag ng aktres, kasama rin sa direksyon ng direktor na si Andoy Ranay ang pagiging mas "aggressive" niya sa ilang eksena sa pelikula. 

Sa kabilang banda, ipinaliwanag naman ni JC ang ginawang "staged kiss" na natutunan niya raw mula sa pagta-teatro noon. 

"Kapag nandon ka na sa [eksena], you think of it as a choreography, you think of it as a blocking, it's part of the whole thing. I have to sell it to the camera. 

"Sa theater ang tawag doon, staged kiss, para hindi ka [makapag-invade] ng privacy, para respetuhin mo pa rin siya (co-actor)," paliwanag ni JC na inaming nagulat rin siya sa naging kinalabasan ng kissing scene. 

Panoorin ang trailer dito:

Sa parehong press conference din ay nagbigay ng kani-kanilang opinyon sina JC at Ina sa tema ng kanilang pelikula na open relationships, o ang pagiging bukas sa pakikipagtalik sa iba, ng dalawang tao na sa romantikong relasyon. 

"Kailangan siyang pag-usapan ngayon kasi the world is changing guys. Hindi ko naman siya ine-encourage at hindi ko naman din dine-discourage. Kung nagwowork sa [iba], game. Ako I support, I respect that, kasi relationship [nila] yan e," pahayag ni JC. 

Para naman kay Ina, hindi siya naniniwala na para sa mga may asawa't anak ang open relationships. 

"Let's be honest, hindi lahat ng tao pare-pareho ang pananaw sa isang relasyon. Meron talagang very open-minded, meron talagang sagrado. So may mga tao talagang experimental. And why would we judge them? So may mga tao talagang bago siya mag-settle down, gusto niyang to be with someone at the same time she wants freedom. So it does happen," paliwanag ni Ina.

LOOK: Arci Munoz and JC Santos, magpapaka-daring para sa bagong pelikula

Mapapanood sa September 13 ang pelikulang Open, bilang isa sa mga entries ng Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019.