• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Mine’: Ion Perez, nagbahagi ng retrato kasama si Vice Ganda

‘Mine’: Ion Perez, nagbahagi ng retrato kasama si Vice Ganda

Kilig ang hatid ni Ion Perez sa kanyang fans matapos na magbahagi ng ilang retrato kasama ang rumored partner niyang si Vice Ganda.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/30/2019 12:45 PM
‘Mine’: Ion Perez, nagbahagi ng retrato kasama si Vice Ganda


Photo credit: @pereziion27 IG

Kilig ang hatid ni Ion Perez sa kanyang fans matapos na magbahagi ng ilang retrato kasama ang rumored partner niyang si Vice Ganda.

Sa kanyang Instagram Stories kamakailan, nagbahagi ang tinaguriang “Kuya Escort” ng ilang larawan kasama ang It’s Showtime host mula sa ginanap na Star Magic All-Star Games 2019 sa Araneta Coliseum noong Agosto 25.

Sa nasabing sports event ay naglaro ang dalawa sa men’s basketball category bilang teammates sa It’s Showtime All Stars na pinangungunahan ni Vice Ganda. 

Kapansin pansin naman ang paglagay ni Ion ng sticker na “mine” sa isang retrato nila ni Vice na masayang magkayakap sa court. 

Ito matapos na itanggi ni Ion ang matagal nang usap-usapan na may namamagitan sa kanila ng Unkabogable Star sa panayam ng ABS-CBN News kamakailan. 

“Kaya siguro nag-iisip ‘yung mga tao, ganoon ‘yung nagiging reaksyon nila, kasi sobrang malapit kami… Sobrang close. Close na close kami ni Vice. Hindi na siya iba sa akin,” aniya.