• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapamilya talents na wagi sa Cinemalaya 2019, may mensahe sa mga aspiring filmmakers

Kapamilya talents na wagi sa Cinemalaya 2019, may mensahe sa mga aspiring filmmakers

ABS-CBN head writer at direktor may mensahe sila para sa mga aspiring filmmakers.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/30/2019 1:31 PM
Kapamilya talents na wagi sa Cinemalaya 2019, may mensahe sa mga aspiring filmmakers


Dalawa lang sina Mary Rose Colindres at Eduardo “Edong” Roy, Jr. sa mga homegrown talents ng ABS-CBN na nanalo sa Cinemalaya 2019 para sa mga film entries nilang Iska at FuccBois

READ: WINNERS: Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2019

Kinilalang Best Director si Direk Edong para sa FuccBois; habang Best Screenplay ang award na inuwi ni Rose sa pagsusulat niya ng Iska.

Kasabay ng pagkapanalo, may mensahe si Direk Edong at Rose para sa mga nangangarap magsulat at gumawa ng mga pelikula.

Ayon kay Direk Edong namulat siya sa mga matatapang at may mensaheng pelikula simula nang mapanuod niya ang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros na kasali sa Cinemalaya 2005. “May ganito palang klase ng sine, parang gusto ko ring gawin. So nag-try ako ng second, third, fourth, and fifth Cinemalaya. Hindi pa rin talaga ako nakapasok,” kwento ni Direk Edong.

Sa kabila raw ng sunod-sunod na pagkabigo ay hindi sumuko si Direk Edong hanggang sa nakapasok siya at nakakuha pa ng awards sa mga pelikulang Quick Change, Pamilya Ordinaryo at iba pa. “So kung may maa-advise ako sa ibang filmmakers… Lagi lang silang mangarap.  Continue lang sa pag-dream kasi makukuha at makukuha niyo rin yung pangarap na yun. Makakagawa rin kayo ng pelikula ga’no man katagal yun. Hintayin niyo lang,” sabi ni Direk.  

Tapang naman daw ang kailangan ng mga nangangarap na gumawa ng pelikula sabi ni Rose. “Maging matapang lang din… Sinabi sa akin ang kwento (ng Iska) as in years and years ago. Pero wala akong lakas ng loob sumubok, until some time in 2016 (nang sinabi ko) sige na nga try natin, wala naman mawawala,” ani Rose. 

“Saka wag isipin na kaya gagawa ng pelikula kasi gusto ko manalo ng mga awards. Yun lang talaga, para yung honesty ng kwento, yung sincerity (andun),” ayon pa kay Rose.

Lalo na sa mga writers daw na katulad ni Rose, dapat daw mauna yung kagustuhan mong magkwento. 

Sang-ayon naman dito si Direk Ted Boborol na nag-direk ng Iska. Aniya, naniwala si Rose sa kuwento ng Iska simula pa lang noong una. “Siya yung naniwala sa akin… (Siya yung nagsabing) gawin natin kasi kailangan malaman ng mga tao yung istorya ni Iska,” ani Direk Ted.