‘Diary Ng Panget’, ‘Die Beautiful’ at iba pang Pinoy movies, mapapanood na sa Netflix

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/30/2019 09:33 AM
‘Diary Ng Panget’, ‘Die Beautiful’ at iba pang Pinoy movies, mapapanood na sa Netflix

Karagdagang Filipino movies ngayon ang magiging bahagi na rin ng international movie streaming platform na Netflix.

Simula ngayong Setyembre 1, mapapanood na ang mga sikat na pelikula nina James Reid at Nadine Lustre na Diary Ng Panget at This Time, kasama din ang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros at Sid and Aya: Not a Love Story nina Anne Curtis at Dingdong Dantes.


ALAMIN: Listahan ng mga pinoy movies na mapapanuod sa Netflix

Mapapanood na din ang mga pelikulang Camp Sawi, Luck at First Sight, at 100 Tula Para Kay Stella.