Arci Muñoz, kinumpirmang hiwalay na sa nobyo

Nagsalita na ang aktres na si Arci Munoz sa napapabalitang hiwalayan nila ng non-showbiz boyfriend niyang si Anthony Ng.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/30/2019 5:15 PM
Arci Muñoz, kinumpirmang hiwalay na sa nobyo


Photo Credit: @ramonathornes on IG

Sa wakas ay nagsalita na ang aktres na si Arci Munoz sa napapabalitang hiwalayan nila ng non-showbiz boyfriend niyang si Anthony Ng.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Matchy matchy 💗💗💗💗💗

A post shared by Arci Munoz 🌻 (@ramonathornes) on

Sa ginanap na press conference ng kanyang bagong teleseryeng Pamilya Ko sa Dolphy Theater nitong Biyernes, kinumpirma ng aktres na ilang buwan na silang hiwalay ng kanyang nobyo.

“No, no. Nothing like that po,” sagot ni Arci nang tanungin kung third party ba ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

“It’s shallow… It’s just really… Maybe it’s not the right time,” paliwanag ni Arci, na sinabing hindi siya sigurado sa ngayon kung may pag-asa pa ba silang magkabalikan ng nasabing businessman.

Ayon kay Arci, “mutual” ang naging hiwalayan nila ni Anthony, ngunit hindi niya masasabing magkaibigan sila ngayon.

Itinanggi naman ni Arci na may kinalaman ang kanyang mga magulang sa desisyon nila ni Anthony na maghiwalay.

READ: Is Arci Muñoz single again?

“Wala po… Pero siyempre kasi nga, ‘pag magulang ka, gusto mo talaga ‘yung best best best. I understand my mom,” aniya.

Hulyo ng 2017 nang unang kumpirmahin ni Arci ang relasyon niya kay Anthony sa publiko