Si Matteo Guidicelli na ba ang susunod na Pedro Penduko?

Isa umano si Matteo Guidicelli sa mga aktor na pinagpipilian ngayon para sa iconic role na Pedro Penduko.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/3/2019 7:57 PM
Si Matteo Guidicelli na ba ang susunod na Pedro Penduko?


Kasunod nang naging pagbibitiw ng aktor na si James Reid sa role na Pedro Penduko, tila umiinit ngayon ang pangalan ng aktor na si Matteo Guidicelli bilang papalit sa inaabangan na iconic Filipino character.

READ: Here’s why James Reid has withdrawn from Pedro Penduko

Sa panayam ng PUSH at ilang miyembro ng entertainment press sa unang araw ng VIVA Convention, nagbigay pahayag si Matteo sa pagiging matunog ng kanyang pangalan bilang susunod na Pedro Penduko.

It will be a great project, of course this is a superhero in the Philippines na  talagang bigating super hero, I’ll be open to doing a project like this,” tugon ng aktor sa panayam nitong Sabado sa World Trade Center.

Dahil sa pinagdaanan na military training, tila perfect choice na umano si Matteo sa maaksayong role ni Pedro Penduko. Pero ayon sa kanya, kung matutuloy man ito, nais niya na dumaan sa tamang training para sa inaabangan na proyekto.

I’ll be very, very happy to portray Pedro Penduko, siyempre kailangan pa din ng training dahil iba ‘yung characteristics ni Pedro Penduko,  its Cali (Filipino Martial Arts) it would be nice if I represent Filipino martial arts,” sabi pa niya.

Aniya, pamilyar siya sa kuwento ng Pinoy komiks character noong binigyang buhay ito ni Matt Evans sa Kapamilya network.

Yes, yes familiar po ako, especially when Matt Evans played it back in ABS-CBN,” tugon pa ni Matteo.

Paglilinaw pa ng aktor, wala pang offer na ibinibigay sa kanya tungkol dito.

“Wala pa we’re going through different meetings, let’s see for the confirmation, if ever that would be a good project and a big blessing,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, abala si Matteo sa patuloy na promotion ng pelikulang Mina-Anud na mapapanood na ngayong Agosto 21.