• Home
  • Fresh Scoops
  • Idol Philippines finalist Lucas Garcia, unang nag-perform bilang gay sa Idol Ph

Idol Philippines finalist Lucas Garcia, unang nag-perform bilang gay sa Idol Ph

Idol Philippines finalists Lucas Garcia at Lance Busa, istorya ng pagpapakatotoo at tiwala sa sarili ang dala sa pagsali sa Idol PH

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/3/2019 12:44 PM
Idol Philippines finalist Lucas Garcia, unang nag-perform bilang gay sa Idol Ph


Sa Tonight with Boy Abunda, dalawang istorya ng pagpapakatotoo ang dala nina Idol Philippines finalists Lucas Garcia at Lance Busa sa pakikipag-usap nila kay King of Talk Boy Abunda.

Rebelasyon ni Lucas, Idol Philippines ang kauna-unahang sinalihan niyang singing contest kung saan out siya bilang gay. “Yung Idol Philippines po yung kaisa-isang contest na sinalihan ko na out ako. Tuwing tutungtong po ako ng stage sa mga amateur singing contests nagpapakalalaki po talaga ako,” ani Lucas.

Agree din si Lucas na liberating experience para sa kanya na makapagperform bilang gay sa Idol Ph.

Dahil rin daw sa Idol Ph ay maraming nagpaparamdam sa kanya sa social media. Nakakatanggap din daw si Lucas ng mga pickup lines mula sa mga lalaki at tinatawag pa daw siyang “baby.”

At maging mga babae daw ay nagpapadala rin ng messages sa kanya. “Kahit na alam nila na beki ako, minamahal pa din nila ako. Maraming maraming salamat po,” kwento ni Lucas.

READ: Erik Santos clarifies comment on ‘Idol PH’ finalist Lucas Garcia

Nanalo naman si Lance Busa sa international singing contest na Bolt of Talent, bago siya sumali sa Idol Philippines.

READ: Pinoy singer Lance Busa ikinwento ang pinagdaanan bago nanalo sa “Bolt of Talent”

Ayon sa singer may gusto siyang patunayan sa mga nagsasabi na hindi siya bagay sa Pilipinas. “I wanted to challenge myself with the people who told me na hindi ka bagay dito sa Pilipinas. Kaya umibang bansa ka na lang kasi yung boses mo iba,” ani Lance. 

Bukod dito isa ring challenge para sa sarili ang pagsali ni Lance sa Idol Ph. “I don’t know if it would be good or bad, pero I challenged myself to you know what how about you try to believe in yourself. And make people listen to you instead of trying to please them and go away just because they said na go away,” dagdag pa ng singer.