• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Phoebe Walker, paraan ng pagkatsugi ng karakter sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ikinagulat

EXCLUSIVE: Phoebe Walker, paraan ng pagkatsugi ng karakter sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ikinagulat

Laking pasasalamat ni Phoebe Walker sa oportunidad na ibingay sa kanya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/3/2019 11:32 AM
EXCLUSIVE: Phoebe Walker, paraan ng pagkatsugi ng karakter sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ikinagulat


Photo credit: @phoebecatherinewalker IG

Natsugi na ang karakter ng sexy actress na si Phoebe Walker sa top rating teleseye ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano. Isa si Phoebe sa tinatawag na “Cardo’s Angels” ng CIDG kasama ng tatlo pang babae.

“Na-shock po ako kasi ano, we signed something until September. Pero I knew naman, going in to the show na temporary lang naman yung role.

“So yon, tulad nga po ng sinabi ko, pupunta ako minsan sa taping not knowing kung mamamatay ako that day. When they told us, meron namang palugit na mga two weeks kaya okey naman, at least natanggap ko na nung tapos na,” kuwento ni Phoebe sa exclusive interview ng PUSH.

Ikinagulat din ng aktres ang paraan kung paano nag-end ang character niya sa Probinsyano.

“Alam ko naman na lahat kami mamamatay don, pero yung paraan lang very shocking kung paano. Hahaha!” natatawa niyang kuwento.

“Marami nga pong nag-react kasi brutal yung naging pagpatay sa amin, sa akin. Tsaka medyo natakot din kami kasi yung sa eksena nga, yung sa bodega kami tapos puro goons, tapos may rape scenes. Binugbog ako, tinorture ako do’n, eh, tinali pa ako at ginapos.

“I’m glad na ganun ako nawala sa show, at least, pinag-usapan. Hahaha! Kasi maraming ano, balita ko pati Gabriela nag-react, so maraming inedit out na mga scenes. Four days kami sa scene na yon, four days kaming pabalik-balik sa location kasi madugo talaga yung mga eksena,” pagbabahagi ni Phoebe.

Kahit nawala na siya sa FPJAP ay malaki pa rin daw ang kanyang pasasalamat kay Coco Martin.

Aniya, “Iba talaga yung exposure pag primetime, eh. Pag nakikita ako, as in Dalisay agad, Probinsyano agad. Iba pa rin talaga ang ratings ng Ang Probinsyano.”

Three months din sa serye ni Coco si Phoebe at umaasa siya na masundan agad ang huli niyang trabaho.

“Sana mga masundan agad, kasi pag natetengga ako medyo nababaliw ako, oo nakakaloka talaga,” reaksyon pa niya.

Nakapagpaalam ba siya formally kay Coco before leaving the show.

“Opo. Ako nung last day ko, nung alam ko na na last day ko hinanap ko talaga siya. Kasi hindi mo siya mahahanap sa set, eh, kasama niya yung mga EP (executive producer), tapos always talking about the next scene, so as much as possible hindi ko siya iniistorbo.

“Pero nung magpapaalam na ako, nag-thank you ako, ganun. Kasi pangalawang beses na namin yan di ba, yung first namin together was sa Panday tapos Probinsyano. Sana masundan ulit. Happy ako sa opportunity,” huling pahayag ni Phoebe sa PUSH.