• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kilalanin ang comedienne sa ‘Hello, Love, Goodbye’ na si Lovely Abella

EXCLUSIVE: Kilalanin ang comedienne sa ‘Hello, Love, Goodbye’ na si Lovely Abella

‘Hello, Love, Goodbye’ comedienne Lovely Abella started out as a Pera o Bayong girl

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/3/2019 12:59 PM
EXCLUSIVE: Kilalanin ang comedienne sa ‘Hello, Love, Goodbye’ na si Lovely Abella


May mga hindi pa nakakakilala kay Lovely Abella, isa sa mga comediennes sa pinag-uusapang pelikulang Hello, Love, Goodbye. Gumanap si Lovely bilang Gina, isa sa mga malalapit na kaibigan ni Joy, na ginampanan naman ng bida na si Kathryn Bernardo.

MOVIE REVIEW: Tawa, Kilig, Aww moments: Here are 5 more reasons to watch ‘Hello, Love, Goodbye’

Marami ring nakapansin sa mahusay na paganap ni Lovely alongside seasoned comedians Kakai Bautista, Joross Gamboa, at Jeffrey Tam. 

Sa EXCLUSIVE interview ng PUSH kay Lovely, sinabi niya kung saan siya nagsimula. “Nagsimula po talaga akong ekstra-ekstra hanggang sa na-meet ko si Willie (Revillame) sa isang mall,” panimula ni Lovely.

Nasa mall daw siya noon para mag-apply na saleslady nang makita niya si Willie. “Mag-aapply ako bilang saleslady. Na-meet ko siya sa isang steakhouse, nilapitan ko siya talaga dun,” ani Lovely.

“Talagang nilapitan ko siya at nagbakasakali ako na pwede akong mag-audition bilang Wowowee dancer,” pagpapatuloy ni Lovely.

“Sakto kailangan pala nila ng Pera o Bayong girls,” dagdag pa ni Lovely.

Pinapunta diumano si Lovely ni Willie sa audition at sumayaw si Lovely kahit di naman talaga siya marunong sumayaw. “Hindi po talaga ko sumasayaw… kinapalan ko lang po gawa ng kakapanganak ko lang that time,” kuwento pa ng comedienne. 

Kinwento rin ni Lovely ang naging experience niya sa audition at kung bakit siya nagustuhan ng gameshow host na si Willie. “Sinabi niya sa akin o kunwari ikaw si Luningning… Ayaw ko na pong iwan yung chance, nag-pirouette po si Lovely. Kaka-pirouette ko po lumalabas na pala ako sa stage. Dun po siya natuwa sa akin. Mukha daw akong tanga sumayaw,” ani Lovely.

Hindi raw Hello, Love, Goodbye ang unang pelikula na kasama siya pero pakiramdam niya ito ang first major break niya. “In-audition ko po talaga yung role na to kay Direk Cathy (Garcia-Molina),” kwento pa ni Lovely.

Naniniwala rin si Lovely na nakikita ni Lord ang mga paghihirap ng lahat ng nangangarap tulad niya. “Nangarap ako at hindi ko talaga tinalikuran yung pangarap na yun. Talagang pinursige ko. And nakikita kasi ni Lord lahat ng hirap natin e. Nakikita niya na a pinaghirapan mo, bagay ka nga talaga diyan,” ayon kay Lovely.

May payo rin si Lovely sa mga taong nangangarap katulad niya. “’Wag kayong mawalan ng pag-asa, as long as may mga taong nagtitiwala sa inyo… At may mga taong nagmamahal sa inyo at nanalig kayo kay Lord, naku maa-achieve niyo yung dream niyo,” buong pusong payo ni Lovely.

READ: What celebrities said about Kathryn, Alden in ‘Hello, Love, Goodbye’