• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Gelli De Belen, sa pagkakaroon ng katambal nang mas bata sa kaniya: ‘Kakaiba kasi I've never done a role like this’

EXCLUSIVE: Gelli De Belen, sa pagkakaroon ng katambal nang mas bata sa kaniya: ‘Kakaiba kasi I've never done a role like this’

Gaganap bilang polio survivor si Gelli De Belen sa bagong episode ng ‘Maalaala Mo Kaya’ kung saan ay magiging katambal niya si Jerome Ponce.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/3/2019 12:33 PM
EXCLUSIVE: Gelli De Belen, sa pagkakaroon ng katambal nang mas bata sa kaniya: ‘Kakaiba kasi I've never done a role like this’


Photo credit: @gellidebelen and @alorskieee IG

Nagbabalik sa Maalaala Mo Kaya ang aktres na si Gelli De Belen, para sa bagong episode nitong Ikaw Na Sapat Lang. Dito ay makakatambal ni Gelli si Jerome Ponce na ayon sa kaniya ay naging challenge dahil ito ang unang beses na may makapareha siyang mas bata. 

"Kakaiba kasi I've never done a role like that. So doon ako medyo na-challenge. Paano nga ba? How do you fall in love with someone so much younger, and at that intensity," pahayag ni Gelli sa interview ng PUSH. 

Gaganap si Gelli bilang isang polio survivor na maiin-love sa karakter ni Jerome na may labing-apat na taong agwat sa kaniya. 

"It has to be fresh and pure kasi first love niya, at the age of 36 doon lang siya na-in love. Hindi ko na nga masyadong inisip yung wide age gap, mas inisip ko na first love," dagdag ni Gelli.

Aminado si Gelli na 'nangangapa' pa silang dalawa ni Jerome sa kanilang mga unang eksena. "When I met Jerome and we did the episode, it really just fell into place. Of course in the begining medyo nangagapa ngapa pa, pero as we went along, he was open," sabi ng aktres.

Nang tinanong naman aktres kung magiging bukas siya sa proyektong may may "daring" na tema at may kaparehang mas batang aktor, ang sagot nito, "Of course, a role is a role. As long as its a good role, a good movie. Why not?"

 

 

READ: Gelli De Belen and Ariel Rivera share the secret of their 26-year relationship

READ: Gelli De Belen, aminadong nahuhumaling ang asawa sa isang babae

Mapapanood ang episode ng MMK mamayang gabi pagkatapos ng The Voice Kids Season 4