• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Barbie Imperial, ipinaliwanag kung bakit di nag-click noon ang tambalan nila ni Paolo Angeles

EXCLUSIVE: Barbie Imperial, ipinaliwanag kung bakit di nag-click noon ang tambalan nila ni Paolo Angeles

Balik-tambalan sina Barbie Imperial at Paolo Angeles para sa isang iWant project.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/3/2019 11:39 AM
EXCLUSIVE: Barbie Imperial, ipinaliwanag kung bakit di nag-click noon ang tambalan nila ni Paolo Angeles


Balik-tambalan sa isang digital film sina Barbie Imperial at Hashtag member na si Paolo Angeles.

Kuwento ni Barbie, “Kakatapos lang namin ng Taiwan That You Love sa iWant kasama ko si Paolo. And then, may ginagawa din ako na isa pang iWant, yung You Have Arrived with Elisse (Joson) na aksyon naman, walang love team.

“Kami ni Paolo, we were together na back in 2017. Nag-Langit Lupa kami under RSB unit. Love team din kami do’n, medyo hindi lang nag-work.”

Sa palagay niya, bakit hindi nagklik ang kanilang tambalan ni Paolo?

“Kasi pareho kaming—may boyfriend ako no’n, si Ryle (Santiago), tapos may girlfriend siya,” pag-amin niya sa totoong dahilan.

Dagdag pa niya, “Medyo awkward, kasi friend ko yung girlfriend niya tapos best friend niya yung boyfriend ko, so nailang kami kaya hindi nag-work. Tapos we worked again together sa Araw Gabi. Sila yung teen layer tapos ako yung medyo mature.

“After that, sinubukan kami ni Direk Ruel (Bayani) for MMK na naging super trending, as in ang daming nag-request na mag-work kami ulit together, so binigyan kami ng chance ulit na gawin yung Taiwan That You Love.”

Okey ba sa kanya na muling maka-love team si Paolo?

“I think, oo naman po. Kasi yung chemistry naman namin…  parang kaya na naming laruin ni Pao, eh. Alam na namin kung paano, although sobrang close friends kami, eh. And sabi nga namin, as much as possible ayaw talaga naming maging kami,” katwiran niya.

“Gusto ko yung chemistry namin as friends, eh. And si Pao, sobrang bait niyang tao, na parang ayaw mong… Minsan, pag dyinojowa mo yung mga ganun, sila pa yung mga nawawala,eh. Yung mga mababait (na kaiibgan) yun ang ayaw kong dyowain, eh, kasi sayang, eh,” rason pa niya.

Hindi rin daw siya pumapatol sa kaibigan o tropa niya.

“Pag na-start ko po kasi siya bilang tropa ko, na friend ko, parang ayoko (maging boyfriend), kasi ayoko siyang mawala. Marami akong mga ganung kaibigan, halos lahat close friends ko, so hindi talaga, ayoko.

“Yon po yung thing ko, eh, pag close friend ko, or ex siya ng friend ko, ayoko, respeto lang din,” rason pa niya.

Pero hindi naman daw niya sinaasara ang posibilidad na ma-inlove siya sa isang kaibigan.

Ani Barbie, “Hindi naman ako magsasalita rin ng patapos. Ngayon lang po, kumbaga yon yung ayaw kong mangyari, yon yung mindset ko na pag tropa kita or ex ka ng kaibigan ko, huwag ako, parang ganun.

“Kasi alam ko yung feeling na ex ko yon, tapos magkakaibigan tayo, tapos nagbreak kami, tapos biglang kayo na, ang pangit, di ba?

“Well, depende siguro sa closeness, pero kung friends tayo at super close tayo apos nakakasama ka namin ng boyfriend ng ex ko, tapos biglang kayo na, yon yung… for me, bastos siya.

“Unless napag-usapan namin na, ‘Barbie, okey lang ba, si ano kasi nanliligaw sa akin.’ At ako, sasabihin ko naman, ‘Hindi, ex ko yan, eh.’”

Hindi ba siya naniniwala na mas mabuting magsimula muna sa pagkakaibigan ang mas malalim na relasyon ng isang couple?

“Siguro kasi po, lahat nagta-try is nakalandian ng friends ko, so ayoko. Pero kung hindi naman at friend ko talaga tapos wala siyang ka-fling kahit sino sa mga kaibigan ko, puwede siguro,” deklara ni Barbie sa PUSH.