Regine Velasquez, balik-pelikula na nga ba?

Photos of Regine Velasquez were released by Cinema One Originals.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/29/2019 11:09 AM
Regine Velasquez, balik-pelikula na nga ba?


Photo Credit: @Cinema One Originals on Twitter

Labis ang saya ng fans ni Regine Velasquez nang ilabas ng Cinema One Originals ang litrato ng Asia’s Songbird kung saan naghahanda siya sa isang proyekto at mukhang sasabak na muli siya sa paggawa ng pelikula.

“It’s a bird, it’s a plane… It’s Regine Velasquez-Alcasid! Yours Truly, Shirley, coming this November 2019! #C1Originals,” naman ang nakasulat na caption sa litrato ni Regine.

Ang Yours Truly, Shirley ni Nigel Santos ay isa sa mga pelikulang ginawaran ng P3 milyon na budget ng Cinema One Originals.

Kamakailan din ay nakita sa set ng pelikula ni Sarah Geronimo na Unforgettable si Regine at huli siyang bumida sa pelikula noong 2016 sa indie film na Mrs. Recto.

Sa kasalukuyan ay wala pang ibang detalye ang naihayag para sa bagong proyekto ng Asia’s Songbird.