• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinay singer Maria Laroco proud to be mentored by Simon Cowell in X-Factor UK

Pinay singer Maria Laroco proud to be mentored by Simon Cowell in X-Factor UK

Sinabihan din daw Si Maria Laroco ni Simon Cowell na bumalik at mag-audition ulit sa susunod na ‘X-Factor UK.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/29/2019 12:01 PM
Pinay singer Maria Laroco proud to be mentored by Simon Cowell in X-Factor UK


Photo Credit: @marialaroco on IG

Naging finalist ng The X-Factor UK 2018 ang Pinay singer na si Maria Laroco. Umabot siya hanggang top 6 at napabilang sa team ni Simon Cowell.

Yon nga lang, hindi pinalad na manalo ni Maria. Pero magkaganun man, ayon mismo sa kanya, itinuturing na niyang malaking achievement ang kanyang narating sa sinalihang internatonal singing competition.

Proud din siya na during the competition ay naging mentor pa niya ang sikat na celebrity judge, talent manager and producer.

Ani Maria, “Kasi talagang napakalaking tao po niya, siyempre. He is the Simon Cowell. He played a big role po sa buhay ko. And meeting him taught me a lot of things po na, ‘Wow, I am a lucky girl to be mentored by one of the best in the industry.’ Kaya talagang super thankful po ako that I got to be one of his Top 6 po during The X-Factor UK 2018.”

Hindi rin daw malilimutan ni Maria ang best advice sa kanya ni Simon.

“He always advises us, kaming mga girls, to be who we are and not to be anybody else. We just have to be ourselves and to be strong no matter what challenges he gives us because it’s his way of helping us grow and to be our best every time,” sambit pa niya.

Sinabihan din daw siya ni Simon na bumalik at mag-audition ulit sa susunod na X-Factor UK.

Bago sumali ng X-Factor UK ay naging part na rin siya ng The Voice Kids season 1 at napasama sa team ni Coach Lea Salonga.

Nakapag-record na rin siya sa Universal Records para sa local version niya ng kantang “Beauty and The Beast.” She also represented the Philippines in the Child Aid Asia concert na ginanap sa Tokyo, Japan at naging grand champion ng Great British Festival.

Ngayon ay nasa Pilipinas si Maria to promote her international album titled Just Maria from Odic Records na isang American record label. Ten tracks ang nakapaloob sa album with the carrier single na may title na “Imagine.” Ang iba pang mga kanta sa album ay “Bad Luv,” “Eager,” “On My Way,” “I Like It,” “Bae,” “Delay,” “Vault,” “Outerspace” at “Can’t Stop.”

“I am so thankful and grateful to God kasi finally natupad na po yung isa po sa mga ipinagdarasal ko po. Super thankful din po ako to all the people who have helped po sa album na ito. Napakalaki po ng naitulong nila.

“Of course, to my family, napakasarap po ng feeling na ever since they were there to support me. And of course to all those people who love me, my fans and supporters. If not for them I would not be who I am today. I have become stronger, I really fight for what I really want like my singing, I’ve always love this. I never gave up because this is what I want, this is who I wanna be,” lahad pa ng Pinay singer.

Available na rin ang mga kanta ni Maria sa lahat ng digital platforms katulad ng Spotify, Deezer, Spinner, iTunes, cdbaby at marami pang iba