• Home
  • Fresh Scoops
  • Maymay Entrata at Edward Barber, sasabak sa kanilang unang major concert

Maymay Entrata at Edward Barber, sasabak sa kanilang unang major concert

Muling magpapakilig sina Maymay Entrata at Edward Barber sa kanilang unang pagsasamahang major concert na nakatakdang ganapin itong darating na Setyembre.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/29/2019 4:55 PM
Maymay Entrata at Edward Barber, sasabak sa kanilang unang major concert


Sa blog conference na ginanap nitong Huwebes para sa kanilang concert na pinamagatang “M.E. & U”, ibinahagi ng MayWard kung ano ang dapat na abangan ng fans mula kanilang paparating na big show.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

愛を込めて 👫

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

 
Last time po kasi, ‘yung [The Dream Concert] ko po, kasama pa rin si Dodong doon. Pero ngayon, mas kaming dalawa. Noong time na ‘yun kasi, puro mga pangarap ko… pangarap kong kumanta sa stage, pangarap kong sumayaw. Ngayon, mas gusto naming ipadama at iparamdam sa mga sumusuporta sa amin na dahil sa kanila kaya gagawin namin ‘to. At parte sila hindi lang sa concert kundi sa buhay namin,” ani Maymay.
 
Ayon naman kay Edward, naka-angkla ang konsepto ng naturang concert sa kanilang journey bilang love team.
 
Aniya, “The whole concept ng concert namin is a very intimate show between Maymay and I, the performance, and the fans. A lot of the suggestions, ideas, memories, and history that we have, nandiyan. As in, you can see the journey that we’ve had during the prods of the concert.”
 
Aminado ang dalawa na magkahalong excitement, kaba, at pressure ang nararamdaman nila para sa concert.
 
“Of course, there’s going to be pressure. Kung wala, may mali,” pagpapatuloy ni Edward. “May mali kung hindi ka na kinakabahan. Kasi syempre ‘yung sa first concert ni Maymay na kasama ako, may margin of error. Pwede mong sabihin na, ‘Ay, first time nila, first concert. ‘Di naman sila professional,’ and all that. Pero ngayon, mas may experience na kami and medyo manipis na ‘yung margin of error na meron kami.
 
“We can say that as an excuse. Siyempre, at the end of the day, people are paying for this. It’s our fans, not just anyone. It’s our fans. Sila ang nagbabayad to see a show. So gusto namin, maganda talaga ang performance namin.”
 
Nakatakdang ganapin ang “M.E. and U” concert sa Setyembre 27 sa New Frontier Theater.