• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo, open for possible sequel of ‘Hello, Love, Goodbye’

Kathryn Bernardo, open for possible sequel of ‘Hello, Love, Goodbye’

Walang hanggang pasasalamat lamang para sa mga manonood ang masasabi ng aktres na si Kathryn Bernardo sa tagumpay ng kanyang pelikula na ‘Hello Love Goodbye.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/29/2019 7:26 PM
Kathryn Bernardo, open for possible sequel of ‘Hello, Love, Goodbye’


Photo credit: @bernardokath on Instagram

Hindi inakala ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang pagtabo sa takilya ng Hello, Love, Goodbye kasama si Alden Richards.

Sa kasalukuyan, road to 1 billion pesos na ang kita ng kanyang pelikula, na mainit na tinangkilik ng mga Pilipino.

“Sabi ko nga nangyayari ba ’to? Ang ganda, ganda ng lahat ng nangyayari. Ewan ko, siguro lahat ng nararamdaman ko puro pasasalamat and I’m  super duper happy, parang hindi ko alam na pwede mangyari ’to kasi wala naman ako in-expect talaga simula pa lang. Sobra-sobra ’yung binigay ni God na blessing,” pahayag ng aktres sa naging panayam sa kanya ng entertainment press sa 2019 All-Star Games noong August 25.

Ayon pa kay Kathryn, wala din sa kanyang isip na mahigitan ng Hello, Love, Goodbye ang tagumpay ng kanyang pelikula na The Hows of Us na tinuturing ngayon na highest grossing movie ng Pilipinas.

“Hindi ko alam siguro, pati ako hindi makapaniwala, katulad ng nangyayaring reactions ng lahat, ganun din ako. Again siguro, sobrang grateful lang ako sa lahat ng nangyayari and lahat ‘to, sini-share ko lahat ng success na ‘to sa lahat ng fans, lahat din ng fans ni Alden, and of course kay DJ [Daniel Padilla] and kay direk Cathy, lahat to success namin,” aniya pa.

Kung sa posibilidad naman ng sequel ng Hello, Love, Goodbye, ayon kay Kathryn, bukas rin siya para dito.

“Yes, of course. I’ m very open to that and let’s see siguro basta pag-balik siguro ni direk Cathy from her short break or tingnan natin kung payagan siya,” sabi pa ni Kathryn.

Matapos libutin ang North America at Middle East,  nakatakda din ang pagbisita ni Kathryn sa Ilan pang bansa para sa patuloy na promotions ng pelikula.