• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolina Magdangal, ipinaliwanag ang pagka-delay ng reunion movie nila ni Marvin Agustin

Jolina Magdangal, ipinaliwanag ang pagka-delay ng reunion movie nila ni Marvin Agustin

Ayaw namang madaliin nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal ang kanilang comeback film.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/29/2019 11:01 AM
Jolina Magdangal, ipinaliwanag ang pagka-delay ng reunion movie nila ni Marvin Agustin


Photo Credit: @mariajolina_ig @marvinagustin on IG

Ngayong taon ay idinaos ang 20th anniversary ng pelikula nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin na Hey Babe at 21 years ago na rin ang kanilang iconic film na Labs Kita, Okey ka lang? kung kaya naman marami ang sabik na mapanood muli silang dalawa sa isang pelikula.

Ang tambalan nina Marvin at Jolina ang isa sa mga sikat na love teams noong ‘90s ngunit kinumpirma naman ng Magandang Buhay host na hindi muna matutuloy ngayong taon ang kanilang binabalak na reunion movie.

Ang kanilang pelikula ay dapat na makakasama sa paparating na Metro Manila Film Festival ngunit hindi na umabot ang script nito.

Paliwanag ni Jolina sa ABS-CBN News,

READ: Reunion movie nina Jolina at Marvin, tuloy ba?

ayaw naman nila ni Marvin na madaliin ang paggawa ng kanilang comeback film dahil baka ma-pressure na lamang sila.

“Naiintindihan ko kasi pagka ganitong comeback hindi mo dapat minamadali talaga ‘yung script and ‘di rin basta ‘yung makapasok. ‘Yung excitement namin baka mapunta na lang sa pressure,” aniya.

Kaya pa namang humabol ng kanilang pelikula kung matatapos na rin ang kanilang script sa susunod na buwan ngunit minabuti na rin nilang ‘wag madaliin ang proseso.

“Pag-uusap namin ni Marvin hindi na siya kakayanin pa so para na lang hindi rin kami ma-pressure, hindi na masyadong pinush [sa MMFF],” dagdag pa niya.

Nakatakda namang ipalabas ang kanilang reunion movie sa susunod na taon.