• Home
  • Fresh Scoops
  • Jean Garcia on portraying a hired killer in PPP’s ‘Watch Me Kill’: ‘Never pa akong nakagawa ng ganitong klaseng character’

Jean Garcia on portraying a hired killer in PPP’s ‘Watch Me Kill’: ‘Never pa akong nakagawa ng ganitong klaseng character’

Sasabak sa unang pagkakataon si Jean Garcia sa paggawa ng stunts.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/29/2019 11:50 AM
Jean Garcia on portraying a hired killer in PPP’s ‘Watch Me Kill’: ‘Never pa akong nakagawa ng ganitong klaseng character’


Photo Credit: @chic2garcia on IG

Sa edad na 50, nabigyan pa rin ng pagkakataong bumida sa action film na Watch Me Kill ang award-winning actress na si Jean Garcia. Ayon kay Jean, this is her first time to do an action-thriller film and very interesting daw ang role niya sa pelikula kaya niya ito tinanggap.

“Honestly, hindi ako ang unang ikinunsider rito. For me naman, it doesn’t matter kung first pick ka, o second pick. Ang importante, ikaw ang gumawa ng pelikula. Nagustuhan ko kasi iyong story kasi never pa akong nakakagawa ng ganitong klaseng character.

“Sa edad ko ring ito, at 50, gusto ko ring i-challenge ang sarili ko na kaya kong gawin ang ganitong klaseng pelikula. Gusto ko ring ma-experience na maidirek ng isang direktor na nag-aral talaga sa Amerika,” simulang pahayag ni Jean.

Eh, ano bang pinagkaiba ng role niya sa Watch Me Kill compared sa mga ginagawa niya noon sa pelikula?

“I’ve done action movies in the past but my role usually is the wife of the action star. I was never the one doing the stunts. In this movie, ako si Luciana, isa siyang contract killer. Trabaho niyang pumatay nang may bayad. Hindi siya pumapatay dahil gusto niyang pumatay.

“Kumbaga, pumapatay siya dahil may nagbabayad sa kanya para pumatay. Wala siyang emosyong tao. Hindi siya nakikisalamuha kahit kanino. Wala siyang kaibigan o walang kinikilalang kaibigan. Wala rin siyang pakialam sa paligid niya, sa mga tao sa paligid niya. Iyon ang everyday life niya. Cold blooded siya, walang emosyong tao,” paliwanag ng aktres about her role.

Bilang preparasyon sa pagiging hired killer or lady assassin ay dumaan si Jean sa intensive combat at ammunition training.

Kuwento niya, “Ako kasi ‘yung tao na takot sa mga baril. Takot akong masugatan. Takot pero nag-enjoy naman ako during the shoot. All in all, we had two weeks of training. One week of that is for the fight scenes lang and kung paano bumaril.

Dahil na-introduce ang actress sa paghawak ng baril, binabalak na rin niyang bumili nito in the future para sa kanyang proteksyon.

“Hindi yon ang priority ko ngayon, pero kino-consider ko rin yan,” wika pa niya.

Samantala, si Tyrone Acierto na graduate ng Filmmaking sa Columbia College Chicago ang director ng Watch Me Kill.

Una siyang nakilala sa pelikulang The Grave Bandits na nagwagi ng best director at best feature film sa New Wave film category ng 2012 Metro Manila Film Festival at naipalabas din sa Marche Du Cannes sa Cannes film market.

Ang Watch Me Kill kung saan kasama rin sa cast sina Jay Manalo, Althea Vega, Bodjie Pascua at Junykra Santarin ay ipapalabas sa September 13 bilang isa sa mga pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino.